RoTruyen.Com

For A Little While

CARLA

MY BROWS SHOOT up in surprise. I did not see that coming. "Kabit ka?"

"I wish I could say no, but yes."

Napatitig ako sa kanya. Ang dami kong naisip na pwede niyang i-share, pero ito ang hindi ko napaghandaan. But as promised, I won't judge him.

"Bakit?" tanong ko na lang. "You're a great-looking guy. I'm sure maraming babae ang nakapila sa 'yo. Bakit pinili mo pa 'yung bawal?"

Nagtanggal siya ng cap. Hinaplos niya ang buhok niya at huminga nang malalim bago muling sumagot. "I really like her. College pa lang, gusto ko na si Vanessa. Tinago ko kasi alam kong naka-arrange marriage siya sa mismong kaibigan ko. Si Allen. Nakakatawa nga e, umattend pa ako sa kasal nila."

"Gano'n ka ka-close doon sa Allen?"

"We were friends even before college. Pero hindi naman kami gano'n ka-close. Kumbaga, ayos lang sa kanya kapag MIA ako sa grupo, at ayos lang din sa 'kin pag wala siya. After their wedding, I flew here in Boston. Ewan ko, nalungkot ako kahit na hindi naman dapat kasi wala pa naman kaming relasyon ni Vannie. She doesn't even know I like her. After a year, I came back to the Philippines. Nalaman ko na hindi pala maganda ang pagsasama nila. Hindi siya kayang mahalin ni Allen kasi napilitan lang ito sa arranged marriage. She was desperate for her husband's love and attention. And I don't know what's gotten into me, but I took advantage of it."

"Sinamantala mo na malungkot 'yung babae?"

He nodded. "I became her rock. Sa akin niya sinasabi ang mga pagkukulang sa kanya ng asawa niya. I comforted her, took care of her. Lahat ng mga bagay na hindi ginagawa sa kanya ni Allen, ginawa ko. Hanggang sa nagkaroon na kami ng lihim na relasyon. I hate that. Mahal ko siya. Ayoko siyang itago sa mundo at mas lalong ayoko na maging gano'ng klase lang siya ng babae, pero wala akong choice. That's the only way I could keep her."

Napapikit ako. Wait, ang hirap i-proseso sa utak ko ang mga sinasabi niya. Hindi ko inexpect na ganito kabigat.

"Hindi ka man lang ba natakot nung ginawa mo 'yan?" tanong ko. "I mean, hindi mo naisip ang kalalabasan ng pagpatol mo sa may asawa?"

"Syempre natakot din. Ang daming beses ko ring pinigilan ang sarili ko, pero wala e, mas nangibabaw talaga ang pagkagusto ko sa kanya. She was my dream woman. Wala na akong pakialam sa mga consequences na kahaharapin ko, basta ba maging akin lang siya."

"Please tell me walang nangyari sa inyo."

Napangiti siya nang mapait sabay yumuko. "Sorry to keep disappointing you, but yes, we did that. Doon nga kami nahuli ni Allen."

"Oh my god, Zian."

"He caught us in the act. Muntik niya na akong mapatay sa sobrang galit niya. Pinakulong niya ako no'n. Ginamit niya ang yaman nila para baliktarin ako at madiin sa kaso na hindi ko naman talaga ginawa. My family helped me get out, but they completely cut me off afterward. Kaya nandito ulit ako sa Amerika ngayon."

"Hindi mo pa ulit nakakausap ang pamilya mo?"

Umiling siya. "Nakalimutan na nga yata nila ako. I lost most of my friends, too. Syempre, kumampi sila kay Allen. We're in the same circle. Sobrang laki ng gulo na ginawa ko. Allen's parents and mine were business partners. Ginawa ng pamilya ko lahat para hindi kumalat 'yong issue kasi malaking kahihiyan. Kaya kung ano mang ginawa nila sa 'kin pagkatapos, I deserve that. I deserved to be cut off. Wala nga halos natira sa 'kin kung 'di 'yong tinitirhan ko rito sa Boston."

"And yet you still want her?" tanong ko. "You've been through hell, tapos hinihintay mo pa rin si Vanessa rito?"

"'Yon ang usapan namin. Nagkasundo kami dati na sa oras na malaman ng asawa niya ang tungkol sa 'min, lilipad kami papuntang Amerika. But I've been here for over a year yet there were still no signs of her. Ni hindi ko alam kung susunod pa ba talaga siya sa 'kin."

"Bakit nag-eexpect ka pa?"

"She assured me. Nangako kami sa isa't isa. Alam kong hindi niya ako iiwanan sa ere."

"Iniwanan ka na nga niya, e. Hindi pa ba sapat 'yung mahigit isang taon ka na niyang pinaghihintay?"

Bigla siyang napatingin sa 'kin. Ang lungkot ng mga mata niya.

I just looked away. "I'm sorry. I'm trying my best not to judge you, but I couldn't pretend I'm okay with this either. You know what you did was wrong, right? You didn't just ruin a marriage, you betrayed your friend."

"I know. I completely know."

"Then forget about her. Nagkasala ka na, wag mo nang dagdagan at ipagpatuloy."

"Ang tagal ko na rin 'yang sinasabi sa sarili ko. Gusto ko na siyang kalimutan, pero sa kada araw na dumadating, hinihintay ko pa rin talaga siya. I still love her. 'Yung naririnig mo na kaaway ko sa telepono, that's her cousin, Leila. Sa kanya ako nagpapatulong na mahanap si Vannie. Kaso hanggang ngayon, wala pa rin siyang matinong balita na binibigay sa 'kin. Sobrang desperado na ako. Gusto kong malaman kung kumusta na siya, kung saan siya tinago ni Allen, at kung anong nangyari bakit hindi siya sumunod dito. Ni hindi niya man lang ako nagawang tawagan."

"I think the answers were clear. Hindi ikaw ang pinili niya."

Hindi siya nakasagot.

"She's married, Zian," I added. "Stop waiting for her."

Napahaplos siya sa buhok niya sabay huminga nang malalim. "I don't know. Nung kami pa kasi, ang saya namin at parang ang sigurado ng lahat. You couldn't blame me if I expected. Nasa point na nga ako ngayon na gusto ko ng umuwi ng Pilipinas para ako na mismo ang maghanap sa kanya."

"Uuwi ka para lang diyan? At kung sakali ngang makita mo ulit siya sa Pinas, anong gagawin mo?"

"I'll take her away from her husband."

"Oh my god ka." Napabagsak ako ng mga balikat. "Are you serious?"

Tumango siya. "Malapit na akong bumili ng ticket pauwi."

"Hay naku, bahala ka na nga! Sige, umuwi ka na lang ng Pinas. Hayaan mo nang talikuran ka ng buong mundo kasi mahal na mahal mo 'yang Vanessa mo, 'di ba?"

Bigla na siyang natawa sa 'kin. "Masyado mo naman akong pinagagalitan."

Natawa na rin ako. Doon ko lang na-realize na ang intense na pala ng sagutan namin.

"Sorry, na-carried away lang," sabi ko na lang. "Ang sarado kasi ng isip mo, e. Stop loving a married woman. Makinig ka sa 'kin, mas matanda ako sa 'yo."

He smirked. "You're only one year older than me."

"Kahit na! Makinig ka pa rin. That will not work out, okay? Hindi lahat ng pagmamahal, pinaglalaban. Lalo na kung mali."

Hindi na siya nakasagot. Tipid lang siyang ngumiti sabay uminom ng beer.

Napainom na lang din ako. "Grabe, parang na-highblood ako sa 'yo."

"I told you, you won't like it. Nasira ko ba ang araw mo?"

"Hindi naman. Kahit papaano, na-appreciate ko naman na shinare mo agad sa 'kin ang pinakapangit na parte ng buhay mo. I appreciate the trust. Pero nakakaloka ka! Ang pogi-pogi mo, e. Mukha ka rin namang matalino, pero sa maling babae ka nahulog."

Natawa na lang ulit siya. "Yeah, that's so stupid of me." Tapos natahimik na siya at kumain na lang.

Natahimik na rin ako. Iniisip ko na lang lahat ng kinwento niya. Ang weird tuloy na para kaming may LQ ngayon kasi wala na ni isa sa amin ang nagsasalita.

But everything makes sense now. Napagtagpi-tagpi ko na ang lahat. Kaya pala iba ang buhay niya rito at malungkot ang dating niya kumpara sa mga nakita kong pictures niya sa Pilipinas. Kaya pala sinabi niya na hindi siya nami-miss ng pamilya niya. Literal pala na he was all alone.

I admit though, hirap pa rin akong paniwalaan ang kwento niya. Doon pa lang sa arranged marriage nina Vanessa at Allen, e. Ganoon ba talaga sila kayaman sa mundo nila? That, plus the affair and the betrayal, feeling ko nakinig ako ng radio drama. Pero 'yung bigat ng dating niya ngayon ang nagpapatunay na totoo itong lahat.

Looking at him now, I could almost feel the heavy load his carrying. Hindi na niya nagawang ngumiti ulit, 'di tulad kanina. His emotions shifted in an instant. Ngayon ang pakiramdam ko, ang tagal-tagal niya na 'tong kinikimkim sa loob niya at sa wakas, may isang tao na rin siyang napaglabasan. Ang bilis niyang nagtiwala sa 'kin. Ang bilis niyang naging vulnerable.

Ilang sandali pang katahimikan bago siya muling nagsalita. "It's starting to get dark. You wanna go home? Ihahatid kita."

Tumingin ako sa paligid. Hindi ko namalayan na kaunti na lang pala kaming naiwan dito sa mga mesa sa labas. "Sige, tara. Nagsara na rin naman halos lahat ng mga booths, tsaka para maabutan ko sila Max sa apartment."

Tumayo na ako at dapat mauuna nang maglakad, pero napansin kong lumawag pala ang sintas ng sneakers ko. Itatali ko muna sana kaso biglang lumapit sa 'kin si Zian.

"Let me do it." He suddenly knelt and tied my shoelace for me.

'Yun lang. Ang sweet niya.

Sa 27 years of existence ko, wala pang ibang lalaki ang gumawa ng ganito sa 'kin. Nakakapanghinayang tuloy. Totoo nga ang sinabi niya—technically, he's single. Kaso emotionally naman, he's taken. Type ko pa naman siya. If it weren't for his affair, I'd really think he was an ideal man.

Pagkatayo niya, nginitian ko siya agad. "Thank you. Ang sweet mo pala. Ganito ka rin ba kay Vanessa?" pang-aasar ko.

Hindi siya sumagot pero nahuli ko siyang nagpigil ng ngiti sabay umiwas ng tingin.

Pinalo ko nga. "Hoy, hindi ko sinabing kiligin ka, ha. Bad 'yan. Hindi ka talaga nakikinig sa mas nakakatanda sa 'yo."

He just smiled at me. "I'm sorry, Ma'am. I'll try to listen."

"Good."

Tumuloy na kami sa pag-alis.

He just booked a ride to my apartment.

Habang hinihintay ang sasakyan, bigla niya akong tinawag. "Carla?"

"Hmm?"

"Thank you for taking the time to listen. Sana hindi mo ako layuan."

"Bakit naman lalayuan?"

"Wala lang. Natuwa ako kasi may nakilala ako rito na pwede kong maging kaibigan, kaya sana hindi ka lumayo kahit na ganito ako. Because, to be honest, I've got no one left."

Napangiti na lang ako nang mapait.

To be honest din, naaawa rin naman ako sa kanya kasi iniwanan siya ng lahat. Nagmahal lang naman siya. 'Yon nga lang, maling-mali. Inaamin ko na medyo disappointed ako. I judged him at some point, pero pinipilit ko pa rin siyang intindihin kasi sino ba naman ako para manghusga?

"Basta gawin mo lang kung ano ang tama," sabi ko na lang.

Pagkarating namin sa apartment, hindi ko na siya pinaakyat. Ayoko na rin kasi siyang maistorbo kasi sinabi niyang maaga pa ang shift niya bukas.

"Salamat sa paghatid," I just told him.

"That's nothing. Ako 'yung dapat magpasalamat kasi nakinig ka sa kwento ko, kahit na medyo jinudge mo pa rin ako."

"Baliw ka kasi."

Ngumiti siya sabay huminga nang malalim. "Carla, can I have your number? Nakalimutan kong hingin sa 'yo nung unang beses tayong nag-usap."

"Hmm . . . wait . . . iisipin ko muna kung gusto pa ba kitang maging friend," biro ko lang sabay umarte pa na nag-iisip. Tapos nagsalita rin ulit. "Sige, pwede."

He chuckled and then proceeded to save my number in his phone.

Pagkatapos no'n, nagpaalam na kami sa isa't isa.

Saktong pagkaakyat ko sa apartment, nag-text agad siya sa 'kin.

| We're still friends, yeah? Thank you. I'll see you again soon. - Zian |

Napangiti na lang ako. Hindi ko na muna siya nireplyan.

Hindi ko alam kung anong meron dito sa lalaking 'to. What he did was utterly wrong. Pero ewan ko, for some reason, may parte sa 'kin na gusto pa rin siyang tanggapin. I'd still like to believe there's more to him than just his mistake.

TO BE CONTINUED

AUTHOR'S NOTE: Hello, everyone! Thanks so much for reading! I hope you can vote and comment because I really need inspiration and motivation right now 🥹 THANK YOU SO MUCH!

Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com