He Doesn T Share
Chapter 17
"DON'T BELIEVE HIM! NILOLOKO KA LANG NIYA!"
Naguguluhang napatingin ako kay Wolf. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya na lalong nagpagulo sa isip ko. Litong-lito ako.
"I'll kill you!" sambit ni Wolf saka inilang hakbang ang layo ng lalaking nagpakilalang Acid Thunderwood.
Napatili ako nang tadyakan niya sa sikmura si Acid. Sumadsad sa pader ang lalaki.
"I will kill you, you motherfucker!" sinuntok niya ito sa panga, duguan na pareho ang bibig at ilong ni Acid pero nakabwelo pa ito para masipa sa balikat si Wolf.
"Wolf!" hiyaw ko.
Napaluhod ako sa parking lot. Nanginginig ako, hindi ko alam kung bakit takut na takot ako. Huminto sila. Tulala si Wolf habang naglalakad siya papunta sa akin.
"Ingrid..."
Tiningala ko siya habang tigmak ng luha ang mga mata ko. "Umuwi na tayo..."
Lumuhod siya sa harapan ko.
"Iuwi mo na ako... please... please, Wolf..."
Hindi na siya nagsalita pa. Binuhat niya ako at inilagak sa passenger's seat bago siya umikot sa kabila. Habang pauwi ay wala kaming kibuan. Maski siya ay parang hindi alam ang dapat sabihin.
"B-bukas na tayo mag-usap."
"No," mahina bagamat mariing sabi niya.
"P-please..."
"Si Aki, hindi mo ba siya kukunin kina Helen?"
Umiling ako. Hindi ko kayang harapin si Aki ngayon.
Pumasok ako sa loob ng apartment. Hindi ko na siya pinansin pa kung umalis na rin ba siya. Basta ako, tumuloy na ako sa kuwarto. Hinubad ko ang lahat ng suot ko, wala akong itinira.
Humarap ako sa salamin habang hawak ang bulak na may Eskinol. Kinuskos ko ang concealer sa kaliwang bahagi ng leeg ko. Nang lumitaw ang kulay itim na bar code ay nanginig ang buong katawan ko.
Naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likuran. Nang makilala ko siya ay napahagulhol ako. Hindi ko kayang salubungin ang kulay abo niyang mga mata na nakatingin sa akin mula sa salamin.
"Umalis ka na, Wolf..."
"You're not okay." Iniharap niya ako sa kanya habang nakakulong pa rin ako sa kanyang mga braso. "I can't leave you like this."
Luhaan ako ng tingalain ko si Wolf. "Bakit mo ako mahal?"
Humigpit ang yakap niya sa katawan ko. Ibinalot niya sa kahubaran ko ang init niya. Pero lalo lang akong nanliit.
"Marumi ako, Wolf."
"You're not."
"Marumi ako. Bitawan mo ako."
Hindi siya tuminag.
"Marumi sabi ako!"
Yakap-yakap niya pa rin ako.
"Bitawan mo ako!"
Nagpapasag ako, nanlaban sa mga yakap niya. Umiiyak ako, humahagulhol na parang nababaliw habang pilit ko siyang itinutulak palayo. Lahat ng sakit na naipon, lumabas.
"Umalis ka na! Umalis ka na!" Nang mapagod ako ay naririto pa rin siya. Nasa mga bisig niya pa rin ako. "Wolf... bakit... bakit..."
Kinarga niya ako at ihiniga sa kama. Hinalikan niya ako sa ulo.
"Bakit, Wolf..." iyak ko sa matigas niyang dibdib. Ako naman ang yumakap sa kanya. Pakiramdam ko kapag nawala siya, tuluyan na akong bibigay. Hindi ko na kaya.
Hinagod niya ang hubad kong likod, pinapayapa ang damdamin ko. "You're asking me why I still love you?"
"B-bakit? Marumi ako. Marumi ako..." sumisinghot na anas ko.
Niyakap ako ni Wolf habang patuloy ang magaang halik niya sa ulo ko. "I am here because I am unconditionally in love with you."
"'Wag mo akong papakawalan, Wolf. Kahit anong mangyari, 'wag... please..."
Humigpit ang yakap niya sa akin. "I love you with every fiber of my being, and I will never let you go."
NAGISING ako sa kalansing ng babasaging bagay. Nang dumilat ako ay una kong napansin ang mangkok na may kutsara sa mesita na nasa gilid ng kama.
"Good morning."
Tulala akong napalingon kay Wolf, nasa tabi ko siya nakaupo. Nakangiti siya habang nakatunghay sa akin. Bakit nandito pa siya?
Bumalikwas ako ng bangon. "Anong oras na?!"
"Eleven am. Kumain ka muna."
Namilog ang mga mata ko. "Eleven?! Si Aki?!"
"Isinama ni Helen. Ipinasyal niya sa mall ang mga bata."
"Dito ka ba natulog?"
Tumango siya at kinuha ang mangkok. "Kumain ka muna. I made this for you."
Nang tingnan ko ang laman ng mangkok ay bigla na lang kumalam ang tiyan ko. Mabango ang soup na gawa ni Wolf, mukhang yayamanin ang pagkakagawa. Iyon nga lang ay para akong masusuka.
"You're sick, Ingrid."
"Ha?" Kinapa ko ang leeg ko, mainit nga ako.
"Kainin mo na 'to para mainom mo na ang gamot."
Hinayaan ko siya na subuan ako.
Hindi niya inuungkat iyong kagabi, ayaw ko rin naman na pagusapan iyon. Ayaw ko muna. Ang bilis ng pangyayari, niyaya niya ako na magpakasal at pumayag naman agad ako. Mahal na mahal ko siya, ang saya naming dalawa hanggang sa maputol iyon...
Pero bakit nandito pa rin siya? Totoo bang mahal niya pa rin ako? Pero bakit hindi niya na ako tinatawag na "love"? Ayoko sanang mapraning pero...
Bigla niya akong niyakap. "Wag ka na munang mag-isip. Magpahinga ka na muna, babantayan kita."
Hindi ko alam kung ilang oras na nasa tabi ko lang siya, binabantayan nga ako. Hindi pa rin siya umalis. Hindi niya nga ako iniwan. Iyong presensiya niya, ang laking tulong para mawala ang mga takot at agam-agam ko.
"Daddy!" biglang bumukas ang pinto ng kuwarto, lumingon don si Wolf.
"Yes?"
"Wala!" Bumungisngis si Aki. Pawisan siya. Siguro sa kakalaro sa mall.
"Saan ka galing?" nanghihinang tanong ko. Nakauwi na pala sila.
"Namasyal. Bumili po ko laruan!"
Tiningnan ko si Wolf. "Nagbigay ka ng pera?"
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay tumayo siya at pinapasok si Aki sa loob ng kuwarto. "Change your clothes, young man."
Parang masunuring tuta naman si Aki. Nagtaas pa ng kamay ng hubarin ni Wolf ang suot niyang T-shirt. Pinunasan din ni Wolf ang likod ng bata at pinulbuhan bago sinuutan ng pambahay na damit. Nang maghanap ng pamalit si Wolf sa orocan ni Aki ay iisipin mo na tatay siya talaga ng bata, na kabisado niya ang buong bahay at madalas niya na itong ginagawa.
"Wag kang lalabas ng gate, do you understand?"
"Opo, Daddy!"
"Good."
Tumingin sa akin si Aki at sumaludo. "Laro lang po ko!"
Nang lumabas na ng kuwarto ang bata ay bumalik si Wolf sa pag-upo sa gilid ng kama. "He's a good boy."
Maliit na ngiti lang ang sagot ko sa kanya.
"I still wanna marry you, Ingrid."
Napahugot ako ng hininga. Mahal niya pa rin talaga ako?
Bakit nga ba itinatanong ko pa iyon? Tanggap niya si Aki. Tanggap niya ako. Nandito pa rin siya sa tabi ko. Pero paano ang lalaking nagpakilalang...
"You have doubts," mahinang sabi niya, pinutol ng mainit na haplos ng palad niya sa braso ko ang iniisip ko.
Paanong hindi ako magda-doubt?
"Rest for now, Ingrid."
Ayoko sanang matulog ulit, ang kaso ay hinihila ako ng antok. Siguro epekto ng gamot na ininom ko. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulog, pero pag gising ko ay papadilim na.
Saktong pagbangon ko ay bumukas ang pinto ng kuwarto. Tahimik na pumasok si Wolf habang bitbit-bitbit ang isang tray na may lamang prutas at gatas. "Kumain ka muna."
"Si Aki?"
"Kumain na siya. Nandon siya ngayon kina Helen."
At dahil gutom na ako ay kumain na ako. Pinainom niya ulit ako ng gamot. Hindi na rin ako tumutol ng punasan niya ako. Nagpalit ako ng damit at pajama. Nagsusuklay na ako nang mapansin kong titig na titig sa akin si Wolf. Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Baka may work ka, Wolf," ani ko.
Napakurap siya. Tila nagising mula sa malalim na iniisip.
"'Wag mo na akong intindihin, umuwi ka na muna. Okay naman na ako, e."
"Okay ka na?" Hinipo niya ang leeg ko.
Tumango ako. Hindi na rin ako mainit ng hipuin ko ang sarili ko kanina.
"Sa tingin mo ba magaling ka na?"
"Oo..."
"Do you really think so?"
"Oo nga."
"Really?"
Kahit nagtataka ay tumango ako.
"Good." Bigla siyang tumayo. Kinuha niya ang coat niya na nasa bangkuan at isinuot sa akin.
"S-saan tayo pupunta?" gulat at nalilitong tanong ko.
Kinarga niya ako. "To Jackson."
"Ha? Sinong Jackson?"
"A friend. A mayor."
"Ha?" Napanganga ako nang seryosong tumitig sa mga mata ko si Wolf.
"Magpapakasal na tayo ngayon."
JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com