Heredera Series 2 Mitzi To Be Published Under Phr
MINANEHO niya ang pulang quad bike habang si Toby ay ang asul. Tinungo nila ang minahan at sa tingin niya ay sampung minuto lang ang inabot ay narating na nila ang site. May mga tent sa paligid na ayon kay Toby ay nagsisilbing barracks ng mga minero. Ang mga bahay naman sa miner’s camp ay bahay din ng mga minero at pamilya ng mga ito. Mas pinili raw ng ibang doon na lang manirahan para malapit sa pamilya. Si Mang Alan naman ay taga Tondo rin daw ayon kay Toby.
Pumasok si Mitzi sa isang malaking tent habang may kausap si Toby. Si Toby ang gumagamit ng tent na ito habang nandito ang binata. May maliit na folding bed na napapatungan ng foam, folding chair at table. Lumapit siya sa folding bed at pinadaanan ng kamay ang kutson. “Ay!” Halos mapaigtad siya nang may mga brasong pumulupot sa katawan niya, pero agad ring napangiti nang masamyo ang nakakaadik na amoy ni Toby. Hinalikan siya nito sa leeg.“I am wondering kung bakit may tent ka rito, parang hindi ka naman nagpapalipas ng magdamag dito.” Muli siyang napahiyaw nang bigla siyang hilain ni Toby. Bumagsak sila sa higaan na pakiramdam niya ay magigiba dahil sa bigla nilang pagbagsak. Napaupo siya sa kandungan ni Toby. Natatawa niyang pinalo ang braso ng binata. “Kung magpapalipas ako ng magdamag dito e 'di na-miss mo ako.” Umawang ang labi niya sa sinabi nito. Mahihimigan rin sa boses ng binata ang saya at panunukso.
“At sino ang nagsabing mami-miss kita?” Hinawakan ni Toby ang kabila niyang pisngi at pinaharap dito. Pinisil nito kanyang baba habang matamang nakatitig sa kanya. His gray eyes were bewitching. “Your black eyes were bewitching!” Humahanga nitong bulong sa paos na boses. Napangiti siya. Parehas ang nasa isip nila. Bumaba ang tingin ni Toby sa mga labi niya at marahan nitong pinadaan ang thumb sa mga labi niya, parang iniingatang huwag magalusan. Naipikit ni Mitzi ang mga mata.
“So delicate.” Mas lalong humina ang boses ni Toby. Isang mahinang singhap ang kumawala mula sa bibig niya nang lumapat ang malambot na labi ni Toby sa kanyang labi. When his lips started to move, she had lost dahil sa pagkalat ng nakakakiliting sensasyon sa buo niyang katawan na tanging si Toby lang ang may kayang magparamdaman sa kanya ng ganoon. Ipinihit niya ang katawan paharap kay Toby at iniyakap ang mga braso sa leeg nito at tinugon nang buong puso ang halik nitong nagsimulang lumalim. His lips tasted good, so sweet and intoxicating. Ipinulupot ni Toby ang mga daliri nito sa kanyang buhok at marahang hinila para ilantad ang kanyang leeg and his lips traveled down her neck and went to the ear. She sucked in a harsh breath as the tingling sensations rushed through her as his hand move and groped her breast. “You are delectable, Mitzi!” he huskily purred in her ear, and swirled his tongue along the shell of it. “Toby!” Usal niya sa pangalan nito nang damhin nito ang dibdib niya. Para iyong nagbabagang bakal na tinutunaw ang bawat buto niya sa katawan. Ibinalik ni Toby ang labi sa kanyang labi at mas lalong naging mapusok ang halik nito na halos ikapugto ng kanyang hininga. “Toby?” Nagmulat si Mitzi ng mata nang marinig ang boses ni Mang Alan na tinatawag si Toby, pero mukhang nabingi na si Toby dahil mukhang wala itong balak tumigil sa paghalik. Bumaba pa ang labi nito sa leeg niya at ang kamay nito ay naramdaman niyang ipinasok sa ilalim ng kanyang blouse. “Toby!” Napilitan siyang itulak si Toby saka siya tumayo. Kunot-noo itong napatingin sa kanya. Noon bumukas ang tent.“Toby, gusto ka raw makausap ni Sir Guiller.” Nagkibit-balikat si Mitzi para ipaalam kay Toby na iyon ang rason kaya itinulak niya ito. Inihilamos nito ang dalawang kamay sa mukha na parang iritado bago binalingan si Mang Alan.“Susunod ho ako, Mang Alan.”
“Sige.” Umalis si Mang Alan. Tumayo si Toby at hinapit si Mitzi sa baywang at hinalikan siya labi na agad naman niyang tinugon. His kiss was rough yet thorough. “Damn, brat! You are making me hot and hard.” Bulong nito sa labi niya. Namula si Mitzi sa tinuran ni Toby lalo na nang maramdaman niya ang matigas na bagay na nakadikit sa puson niya. “Dito ka lang, babalik agad ako.” Dinampian siya nito ng halik sa labi bago lumabas. Umupo si Mitzi sa folding bed habang nakatingin sa pintong nilabasan ni Toby. Naguguluhan siya sa nagiging pakikitungo sa kanya ni Toby. He had been so sweet to her these past few days pero wala naman itong sinasabi kung ano ba ang nararamdaman nito para sa kanya. Kung ibabase sa kilos nito ay ipinapahiwatig niyon na gusto siya nito pero ayaw naman niyang mag-assume. Lalaki ito at tuwing magiging sweet ito sa kanya ay hindi naman siya nagrereklamo kaya posibleng nag-eenjoy lang ito but it doesn’t mean ay may nararamdaman na sa kanya si Toby. He has a girlfriend, Mitzi. Paalala ng bahagi ng kanyang isip.
Nagpasya si Mitzi na lumabas na lang tent at sundan si Toby. Ngunit sa paglabas niya ng tent ay natigilan siya nang makita ang isang lalaking kakalabas lang din ng katabing tent ni Toby. May bitbit itong isang kahon. Tumaas ang mukha ng lalaki at kitang-kita niya ang paggalawan ng muscles sa panga nito nang tumiim ang mukha nito habang masamang nakatitig sa kanya. Wala sa loob na napahugot ng hininga si Mitzi at kung anong kilabot ang gumapang sa kanyang buong katawan. Pakiramdam niya ay sasaktan siya ng lalaki sa paraan nang pagkakatitig nito sa kanya.
***
NAGPASYA si Mitzi na kausapin si Hanz pero ayaw talaga siyang payagan ni Toby. Ayaw naman tumigil ni Hanz sa pagtawag sa kanya at pagpapadala ng text messages. Ayon sa dating kasintahan ay maghihintay ito sa restaurant na sinabi sa kanya. Sumipot man siya o sa hindi ay maghihintay pa rin raw ito at nakonsensiya naman siya. Inaya siya ni Toby sa hardin at umupo sa bench na naroroon dahil may sasabihin raw ito tungkol kay Hanz.“Jason Castro and Hanz Sanchez are siblings.” Umawang ang labi ni Mitzi sa sinabi ni Toby.“Siblings?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Si Jason Castro ang general manager sa minahan. Iyon ang lalaking sobrang sama ng tingin sa kanya kahapon nang magpunta sila ng minahan ni Toby. “Hindi ko sana 'to gustong sabihin sa 'yo, kahit ang daddy mo ay hindi niya gustong malaman mo ito dahil alam niyang masasaktan ka pero tingin ko ay kailangan mo 'tong malaman, para ikaw na mismo ang umiwas kay Hanz.” “Go on,” udyok niya. “Kilala ka ni Hanz noon pa man at ang daddy mo. Sinadya niyang makipaglapit sa 'yo at ligawan ka para makaganti sa daddy mo.” “What? Bakit siya maghihigante sa daddy? Toby, ano ba ang sinasabi mo?” Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Toby bago nagpatuloy.“General manager ang ama nina Hanz sa minahan noon habang si papa ay supervisor. Ayon kay Sir Andrew ay nagtayo ang tatay nina Jason ng kubo roon para tuluyan nito kapag hindi nakakauwi. Pinagtakhan ng mga engineer kung bakit nagkaroon ng paguho samantalang hindi naman malakas na paglindol ang nangyari. Maayos ang ginawang trabaho ng mga engineer kaya kahit raw maglindol ay hindi iyon basta-bastang guguho. Hanggang sa natuklasan na sa mismong kubo pala na ipinatayo ng tatay nila Hanz ay may malaking hukay. . .”
“Palihim itong gumawa ng isang tunnel doon para magmina ng ilegal tuwing gabi kasama ang iba pang kasabuwat na naging dahilan ng paguho ng minahan at ikinamatay ng maraming minero. Si Papa ang nakatuklas na bukod sa ginto ay deposito rin pala ng dyamante ang bundok. Kaso nga lang ay sa kailailaliman na ng lupa iyon makukuha. Naging gahaman ang ama nina Hanz kaya iyon ang nangyari. Pero ayon sa ama ni Jason at Hanz ay ang tatay ko raw ang utak ng ilegal na pagmimina. Ang tatay ko raw ang may plano n’on. That bastard! Patay na ang tatay ko pero nagawa pang siraan para lang isalba ang sarili!” Nagsigalawan ang muscles sa mukha ni Toby at gumuhit ang matinding galit sa mga mata nito. Hindi naman siya makapaniwala sa mga narinig.
“Nakulong ang ama nila, at nang mamatay ang nanay nila sa panganganak sa bunso nilang kapatid ay dinala si Hanz at bunsong kapatid nito sa ampunan habang si Jason ay nanatiling sa bahay nila at itinaguyod ang sarili. Pagkatapos ng isang taon ay namatay ang tatay nila sa kulungan nang magkaroon ng riot sa loob. Sa kabila ng nagawa ng tatay nila ay tinanggap pa rin ni Sir Andrew si Jason para magtrabaho sa minahan nang mag-apply ito. Pero hindi alam ni Sir Andrew na may matinding galit pala si Jason sa kanya. Na isinisi ng magkapatid ang lahat ng kamalasang nangyari sa buhay nila kay Sir Andrew. Gusto nilang maghigante sa daddy mo sa pamamagitan mo.”
Nanghihinang naisandal ni Mitzi ang likod. Hindi siya makapaniwala. Planado pala ang pagtatagpo nila ni Hanz sa mismong Heredera Pub at maging sa eskwelahang pinapasukan niya. Nakakatawa. Kunyari ay nagulat pa ito nang mabangga siya sa hallway ng building, eh, iyon pala planado lang ang lahat. That bastard! May kaibigan raw itong pinuntahan sa unibersidad kaya ito naroroon. Sobra pa ang pakiusap ng hudyo na magkita sila dahil miss na miss na siya nito at mahal na mahal siya nito. Iyon pala ay puro kasinungalingan lang. “And Hanz has a long-term girlfriend.” “What?” “Maliban sa 'yo ay may ibang karelasyon si Hanz. Alam ng babae ang lahat ng plano ni Hanz. Pero hindi nito sinasang-ayon ang pagpapakasal sa 'yo. Hanz just wanted to marry you…” Toby stopped in mid sentence when a pained look of shock crossed her pretty feature, and her hands fisted. “He just wanted to marry me to take revenge,” tuloy ni Mitzi sa sinasabi ni Toby. Siguro kailangan na talaga niyang tanggapin na walang magmamahal sa kanya bilang siya. Lahat ng gustong maugnay sa kanya ay para sa pansariling interes lang.“No one will ever love me.” Usal niya at mapait na ngumiti. Ginagap ni Toby ang kamay niya. Ipinaling niya ang paningin sa binata at tipid itong nginitian. “Huwag mong sabihin 'yan.” “Pero iyon ang totoo, Toby. Lahat ng nangliligaw sa 'kin ang habol lang naman ay ang pangalang Sao na nakakabit sa pangalan ko para sa pansariling interes. Ako ang nag-iisang tagapagmana ng isang multi-billionaire businessman ng bansa. Who wouldn’t want to be my husband?” May lungkot na bumalot sa abuhing mata ni Toby. Marahil ay naaawa rin ito sa kanya. “I hate them! Ang ama na nila ang may kasalanan si daddy pa ang paghihigantihan nila. Pati ang papa mo namatay ng dahil sa kasakiman ng ama nila.” Pinisil ni Toby ang kamay ni Mitzi. Ang galit sa mukha ni Mitzi ay nahalinhinan ng lungkot.“Your father died dahil iniligtas niya si dad.” Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Toby lalo na nang makita ang lungkot sa mukha ng dalaga. “Nakuwento na sa 'kin ng mama mo. I’m so sorry.” Marahan siyang kinabig ni Toby at niyakap nang makita nito ang pamumuo ng luha sa mata ni Mitzi. Kahit anong pigil na hindi makawala ang luha ay namalisbis pa rin iyon sa pisngi niya.“It’s okay, sweetheart. Kaya ka ba umiiyak noong naabutan ko kayong nag-uusap ni mama dahil sa nalaman mo.”
“Yeah. At sinabi niyang nagkakilala na pala tayo noon. Na nawala ang galit mo kay daddy dahil sa makulit na batang nangangalabit sa 'yo.” Inilayo ni Toby ang sarili mula sa kanya. Inabot nito ang mukha niya at pinahid ang luha sa pisngi.
“That cute little angel doesn’t deserve to be alone.”“But now, I’m a she-devil.” Marahang natawa si Toby. “A gorgeous she-devil.” “Not a pesky one?” Muling tumawa si Toby. “Not anymore, brat.”
****
“GOOD MORNING, BRAT!” Kinusot ni Mitzi ang ilong nang maramdamang parang may kumikiliti sa ilong niya. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at mukha ni Toby ang nabungaran niya. Nakaupo sa gilid ng kama habang nakatukod ang isang braso sa unan sa gilid ng kanyang ulo. Malapit na malapit ang mukha ni Toby sa kanyang mukha dahilan para tumama ang mainit at mabango nitong hininga sa kanyang ilong. Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya at muli ay kinusot niya iyon nang makaramdam ng kiliti.“Good morning. How’s your sleep?”“Hmm! 'Morning. . . What time is it na?”“It’s already nine o‘clock kaya ginising na kita. Gutom na ako, eh!” Nakanguso nitong sabi and she finds it cute. She was melting inside because of his cute pouty lips. Late na siyang nakatulog kagabi kakaisip sa mga natuklasan tungkol kay Hanz. Hindi niya alam kung paanong nalaman ng kanyang daddy ang tungkol sa totoong pagkatao ni Hanz. Hindi na iyon sinabi sa kanya ni Toby. Mas maigi raw na ang daddy na lang niya ang tanungin sa bagay na iyon. Ang dahilan pala nang pagpunta ni Toby sa Baguio ay para asikasuhin ang tungkol kay Jason. Hinayaan ni Andrew na magtrabaho si Jason sa minahan dahil nakikisimpatya ito sa pinagdaanan ni Jason pero para idamay pa si Mitzi ay ibang usapan na iyon. “Wala naman sa 'kin ang pagkain, bakit kailangan mo akong hintayin magising?”
Hinaplos ni Toby ang pisngi niya nang buong suyo habang matamang nakatitig sa kanyang mukha at may munting ngiti sa labi.“Nasanay na akong kasama kang nag-aalmusal.” Halos marinig na niya ang sariling tibok ng puso sa sobrang bilis at lakas ng tibok niyon dahil sa sinabi ni Toby at sa mga aksyon nito. At hindi na talaga maganda ang pinatutunguhan niyon. “Stop this, Toby.” Nawala ang ngiti sa labi ni Toby at lumamlam ang mga mata.“Baka masanay ako sa ginagawa mo at umiral na naman ang pagiging brat ko. Sige ka, baka ipa-hire kita kay daddy na maging guardian ko habang buhay.” Idinaan niya sa pagbibiro ang tensiyong nararamdaman. Muling gumuhit ang ngiti sa labi ng binata, mas malapad kaysa sa nauna at ang malamlam na mga mata ng binata ay parang naging maliwanag na bituing kumikislap and that made her heart thumping crazily inside her ribcage. “I’m willing to be your guardian until I stop from breathing.” he said with a smile that set her blood alight. Alam niyang nagbibiro lang si Toby pero may damdaming pinupukaw ang mga salita nito na kahit kailan ay hindi nagawa ng ibang lalaking higit na mabulaklak ang dila kung tutuusin kumpara kay Toby. “Sabi mo 'yan, ah?” nakangiti niyang sabi. Dinampian siya nito ng halik sa labi.
***MAGKAHAWAK kamay si Toby at Mitzi na bumaba at tinungo ang lanai kung saan inihanda ang pagkain para sa almusal. Hinintay siya ni Toby hanggang sa makapag-ayos siya ng sarili. “Good Morning sa pinakamagandang nanay sa buong mundo!” Magiliw na bati ni Toby sa inang abala sa pag-aayos ng pagkain sa mesa.“Pinakamagandang nanay lang? Hindi ba pinakamagandang babae?” nakangiting sabi ni Amalia. Pumuwesto si Toby sa likod ng ina at hinawakan ito sa magkabilang balikat mula sa likuran. “Sorry 'nay pero pangalawa lang kayo, eh. But you are the kindest and most lovable woman in the whole wide world.” Nilingon si Toby ng ina. “At sino naman ang pinakamagandang babae para sa guwapo kong anak?” Nakangiting tanong ni Amalia. Muling nilapitan ni Toby si Mitzi at inakbayan siya nito at wala pa man itong sinasabi ay kumakabog na agad ang dibdib niya. “My brat is the most beautiful woman I’ve ever laid my eyes on.” Nakagat ni Mitzi ang pang-ibabang labi at napayuko. Parang sasabog ang dibdib niya sa kilig. Gusto niyang dibdiban ang sarili para kalmahin ang puso niya.“Pero hindi papasa as a kindest woman. She is the most stubborn woman I’ve ever encountered in my entire life.” Pinalo niya si Toby sa tiyan na eksaheradong umigik at sinapo ang tiyan. Ayos na sana, eh, dinagdagan pa.“But I love her stubbornness. She’s not my brat kung hindi matigas ang ulo niya.” Inalis niya ang kamay ni Toby na nakapatong sa balikat niya.
ad na ngiti sa mga labi. Umupo si Toby at sunod-sunod na sumubo ng fried rice na inilagay ni Mitzi plato. Inabot ang baso ng tubig at uminom saka pinakatitigan si Mitzi.“May laman na ang tiyan ko but you are still beautiful in my eyes. Ibig sabihin hindi 'yon gutom lang.” “Oo na, naniniwala na ako.” Kumuha ng strawberry si Mitzi at dinala iyon sa bibig ng binata. “Eat up.” Sinubo ni Kumuha rin ng strawberry si Toby at isinawsaw sa whipped cream at isinubo kay Mitzi na tinanggap naman niya. Masayang nagkatawan ang dalawa. Mitzi was really happy. Her heart filled with so much happiness na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman nang dahil sa ibang lalaki. Iba ang sayang dulot ni Toby sa kanya. The emotion she feels right now was unnameable. Words can’t explain how happy she is at this very moment.
Pero ang ngiting parang pupunit sa labi ni Mitzi ay unti-unting nawala nang may babaeng buong siglang tinawag ang pangalan ni Toby.“Toby!” Patakbong lumapit sa kinaroroonan nila ang babaeng pamilyar sa kanya. Ito ang babae sa bachelor’s pad ni Toby. Tumayo si Toby na bumakas ang gulat sa mukha. Dinamba ng yakap ng babae si Toby at nangunyapit pa ito sa leeg ng binata at itinaas ang dalawang paa sa ere sa likuran habang si Toby ay nakapulupot ang braso sa maliit na baywang nito. “Oh, my God! I miss you so much,” tili nito. Nang bumitaw ito mula sa pagkakayakap kay Toby ay sinapo naman nito ang mukha ni Toby at siniil ng halik sa labi. Parang may punyal na tumarak sa dibdib ni Mitzi. Agad siyang nag-iwas ng tingin. “Kayle, ano ang ginagawa mo rito?” Hindi pinansin ni Kayle ang tanong ni Toby. Binalingan nito si Amalia.“Oh, hi! I’m Kayle. You are Toby’s mother, right? I’m so glad to finally meet you. Laging ipinapakita sa 'kin ni Toby ang mga larawan niyo. You are so beautiful.” Buong siglang sabi nito sa nanay ni Toby.“Ikinagagalak din kitang makilala, hija.” Hindi siya nag-angat ng tingin hanggang sa. . . “And she is?” Noon siya nag-angat ng tingin dahil pakiramdam niya ay sa kanya nakatingin ang babae. Nagtama ang mata nila ng babae. Inaasahan niyang magugulat ito dahil minsan na silang nagkita pero may talim na gumuhit sa mata nito nang magtagpo ang mga mata nila pero saglit lang iyon dahil ubod nang tamis itong ngumiti.“I’m Kayle Villegas.” Inilahad nito ang kamay at may pag-aalangan niyang tinanggap iyon.“Mitzi.” Halos siya lang yata ang nakarinig sa boses niya sa sobrang hina.“Mitz, it’s nice meeting you.” Parang may sarkasmo siyang nahimigan sa boses nito at kapasin-pansing pinagdiinan ang “Mitz” na siyang pakilala niya noon dito, which is understandable dahil kahit sino ay maiinis siguro dahil nagkita na sila nito sa condo ni Toby pero nagsinungaling siyang nagkamali ng pinto, tapos ngayon ay magkasama sila ni Toby.

Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com