Heredera Series 2 Mitzi To Be Published Under Phr
NAKAPAYWANG si Mitzi habang nakatingin sa isang establisyementong nasa kanyang harapan. Mula sa labas ay kitang-kita ang loob ng isang shop dahil pulos salamin ang dingding niyon. Mga damit na nakasabit sa rack hanger, mga sapatos na nasa shelf at mga bags ang naroroon. Obviously it was a shop.
“Ano ang gagawin natin dito?” tanong niya kay Toby na hindi pinagkaabalahang lingunin, dahil ang mata niya ngayon ay nakatuon sa sulat na nakapinta sa taas ng entrada ng gusali. “SM Clothing”— iyon ang nakapinta roon sa kulay asul na pintura.
“Shopping.” Noon niya nilingon ang lalaki. Hawak nito sa kaliwang kamay ang kanyang maliit na maleta.
“Shopping? Here?” Her finger is now pointing at the shop. A frown slowly wrinkled the smooth skin of her forehead. Pero hindi makikita iyon dahil natatakpan iyon ng kanyang bangs. “Yeah,” Toby replied nonchalantly. Bahagyang nakaawang ang kanyang labi na muling binalingan ang shop, at bago pa man siya makapagreklamo ay naitulak na siya ni Toby papasok ng shop. Agad niyang natutop ang bibig at ilong nang masamyo niya ang kakaibang amoy ng loob ng store. Kakaiba ang amoy ng shop na ito sa mga shop na napapasukan niya. Hindi amoy bago ang mga damit.
“Ang baho!” Ngungo ang kanyang boses dahil pisil niya na ngayon ang ilong.
“Hi, Toby,” bati ng isang babaeng lumapit sa kanila, o mas tamang sabihing kay Toby. Agad itong humawak sa braso ng binata. Hmm… mukhang close.
“Napasyal ka, at sino naman siya?” Medyo nakatikwas ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
“Cath, siya si Mitzi. Tulungan mo naman siyang mamili ng damit.”
“No! Ayoko rito!” madiin niyang pagtanggi.
“You have to choose. Mamimili ka rito o hindi ka na lang magdadamit. I was not appointed by your father to indulge your whims. In-appoint niya ako para turuan ka kung paano panghinayangan ang pera.” Inakbayan ni Toby ang babaeng nagngangalang Cath at marahang tinapik ang balikat nito.
“Go, Cath, tulungan mo siyang mamili ng damit.” Hindi na siya nakaangal nang hawakan siya ni Cath sa braso at hilain na sa mga damit na nakasambit sa rack hanger.
“Pili na,” utos ni Cath. Nangdidiri niyang hinawakan gamit ang dalawang daliri ang isang itim na bestidang naka-hanger.
“Bakit hindi siya amoy bago? This store smells awful!” Namaywang ang babae at mataray na titig ang ibinigay sa kanya na mukhang nainsulto sa komento niya.
“Natural! May ukay-ukay bang amoy bago?” pagtataray nito.
“Ukay-ukay? You mean preloved stuff.” Umirap sa hangin ang babae.
“Kaya nga SM Clothing ang pangalan ng shop ko 'di ba? SM stands for Segunda Mano.”
Agad na nag-init ang ulo ni Mitzi sa narinig. Ang lalaking 'yon talaga! Pagsusuutin siya ng damit na ginamit na ng iba. Nagmartsa siya pabalik sa kinaroononan ni Toby. Prenteng nakaupo ang lalaki sa isang silya habang nakatuon ang atensiyon sa cell phone na hawak nito. Nang maramdaman ni Toby ang presensiya ni Mitzi ay nag-angat ito ng ulo. Tumaas ang isang kilay nito nang magtama ang kanilang mata.
“Seryoso ba 'to? Shopping pre-loved stuff! Gusto mo ba akong magkaroon ng skin disease? For God’s sake!” Paghehestirya niya.
“Wear preloved clothes or get naked in front of me?” he ventured her. Naikuyom ni Mitzi ang kanyang mga palad at padabog na bumalik sa kinaroroonan ni Cath. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Toby na lalong ikinangitngit ng kanyang kalooban. That Bastard! He’s really an ass!
***
ANG false butterfly ceiling na may magandang lightning na nakasanayan ng kanyang mga mata sa pagising niya sa umaga ay wala na. Napalitan na iyon ng isang lumang yero na mukhang may mga bituin dahil sa maliliit na butas. The aircon was gone and replaced it with an electric fan. Ang malinis na puting dingding ng kanyang silid ay napalitan ng manipis na plywood. No bathtub. At ang mas masaklap ay walang bathroom sa bago niyang silid. Ilang beses rin siyang nahulog mula sa kanyang higaan dahil sa liit niyon. Her queen-sized bed was replaced with a single twin bed. Hindi. Mas maliit pa ito sa single twin. This room was absolutely uncomfortable.Bumangon si Mitzi at umupo sa gilid ng papag na pinatungan ng manipis na kutson at hinagod ng tingin ang kabuan ng maliit na silid. May maliit na side table sa tabi ng kama at nakapatong roon ang maliit na lampshade. May berdeng durabox sa tabi ng mesa kung saan niya inilagay ang kanyang mga damit at isang maliit na elelectric fan na nakapatong sa silya sa paanan ng kama. Mayroon isang bintana na natatakpan ng bulaklaking kurtina. May mga ingay siyang naririnig mula sa labas.
Tumayo si Mitzi at tinungo ang bintana. Hinawi niya ang kurtina. Maliit lang ang bintana ng silid na ibinigay sa kanya ni Toby at nasa ikalawang palapag ito. Ang kuwarto naman ni Toby ay katabi lang din ng silid niya. Itinulak niya ang kahoy na bintana. Dumungaw siya roon. Maraming tao. Ang ilan ay nakatambay at ang ilan ay nagmamadali na parang naghahabol ng oras. May lalaking nakaupo sa gilid ng daan habang may tangang isang mangkok sa kaliwang kamay na may lamang pansit at maganang kumakain. Nasa tabi nito ang isang malaking mug na tingin niya ay kape ang laman o puwede ring tsaa. May mahabang mesa sa unahan na may nakahilerang naglalakihang kaldero sa ibabaw, habang may mga nakaupo sa harap niyon at kumakain.
Ginambala ang pagmamasid niya sa labas ng isang mahinang katok mula sa pinto. Binitawan niya ang kurtina at tinungo ang pinto saka binuksan. Nabungaran niya si Toby sa labas ng silid. Natigil ang tangkang pagsasalita nito at napatitig sa kanya. Gulat ang rumehistro sa guwapong mukha ng lalaki. Warmth curled in her stomach when his hot gaze started raking upon her figure. Napalunok siya dahil sa ginagawang pagpipista ng mga mata nito sa halos lantad niyang katawan. Nailang siya bigla at gustong manginig ng kanyang katawan as she felt something strange under his hot gaze. Hindi niya tuloy malaman kung hihilain niya pababa ang laylayan ng hanggang hita niyang manipis na pantulog o itataas ang neckline niyon para itago ang lumitaw niyang cleavage. May ilang sleepwear na isinama sa maleta ang kanyang Yaya Lorna — A big thank to her Yaya — at kasama nga itong skimpy rose pink silk sleepwear na may kapares na sleep robe.
Ibinalik ni Toby ang tingin sa kanyang mukha. Tumaas ang sulok ng labi nito. Ang gulatmsa mukha nito ay napalitan ng paghanga. “Hindi ko akalain na may igaganda ka pa pala. Photograph doesn’t do you justice.” Her eyebrows knitted together in confusion dahil sa sinabi nito.
“What?”
“It’s time for you to cook. Bumaba ka na para makapag-almusal na tayo.”
“Ano? Hindi ako marunong magluto!” nagpapanic niyang pag-amin at the same time ay umaalsa na naman ang iritasyon sa isipang paglulutuin siya nito na hindi pa niya nagagawa buong buhay niya.
“Kaya nga nandito ka para matoto 'di ba? Now, fix yourself and go downstairs.” Tinalikuran na siya nito. Marahas siyang napabuntong-hininga. Wala siyang nagawa kundi ang kunin ang sleep robe niyang nakapatong sa paanan ng kama at isinuot iyon bago bumaba.
***
TILI nang tili si Mitzi habang nagpiprito ng tinapa. Lalo na kapag pakiramdam ng dalaga ay titilamsik ang mantika sa kanya. Natapos niyang lutuin ang sinangag at pagkatapos ay tinapa naman ang ipinaluto sa kanya ni Toby. Habang siya ay mukhang nakikipagdigma na may hawak na malaking takip ng kaserola na nagsisilbing shield sa mantikang tumatalsik, ang kumag naman ay prenteng nakaupo lang sa hapagkainan at nakamiron lang sa kanya at binibigyan siya ng instruction kung ano ang dapat gawin. At mukhang nasisiyahan pa ito. Masyadong maliit ang bahay ni Toby. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw lahat ng parte ng bahay; ang sala, banyo, kusina at komidor na dalawa o tatlong hakbang lang yata ang distansiya mula sa kusina. “Argh! Ayaw ko na!” Padabog na binitawan ni Mitzi ang syanse sa kawali at padabog na umupo sa hapagkainan sa katapat ni Toby. Tinaasan siya ng kilay ng binata.
“Ayoko na! Give me a break. Kanina pa ako nagluluto, eh.” Bumuntong-hininga ang lalaki at walang nagawa kundi ang tumayo at ipagpatuloy ang niluluto ni Mitzi.
Nang matapos ang niluluto ay sabay na kumain ang dalawa.
“Malaki ba ang pangangailangan mo kaya pumayag ka sa gusto ni dad na maging alalay ko?” tanong ni Mitzi sa kalagitnaan ng pagkain nila. May himig ng pang-iinsulto na talagang sinadya niya para inisin ito. Isinubo ni Toby ang laman ng kutsara at nilunok bago sumagot.
“Ikaw ang nagluluto, ikaw ang maglilinis ng bahay. Ako ang magsasabi ng dapat at hindi mo dapat gawin. Ako lang ang may karapatang mag-utos sa 'yo. Alalay nga ako.” Nakakaluko itong ngumisi. “At isa pa, tinutulungan ko lang ang isang mabuting tao na may anak na hindi marunong magpahalaga sa paghihirap ng isang ama!” Ramdam ni Mitzi ang pagmanhid ng sariling mukha sa insultong nakuha mula sa lalaking kaharap. How dare him to insult her like that! Hindi nito alam kung gaano niya kamahal ang kanyang daddy.
“You don’t know me kaya wala kang karapatang sabihing wala akong pagpapahalaga sa daddy ko!”
Tumaas ang sulok ng labi ni Toby, giving her a mock grin. “I know you too well. A happy go lucky little spoiled brat.” Nagtagis ang bagang ni Mitzi. Padabog siyang tumayo at tinungo ang hagdan.
“Saan ka pupunta? Maghuhugas ka pa.” Toby shouted in a lively laughing tone.
“Tse! Basagin mo sa mukha mo ang mga plato!” Sigaw niya habang mabigat na ibinabagsak ang mga paa sa bawat baitang ng hagdan.
Malakas na tawa ang narinig niya mula sa lalaki na ikinatigil niya sa pagpasok sa silid. What a sexy laugh! Tahimik na komento ng utak niya. The sexiest laugh she had ever heard. Ano kaya ang itsura ng kumag kapag tumatawa ng ganoong kalakas. Pulos sexy smirk lang ang nakikita niya mula rito. Napapikit si Mitzi at mabilis na ikiniling ang sariling ulo to brush the thought away. Bakit ba siya nag-iisip ng ganito sa buwesit na lalaking iyon?***
PINAGMASDAN ni Mitzi ang sariling repleksiyon sa salamin. Suot niya ang isang Valentino mini black dress na nabili sa SM shop. SM stands for Segunda Mano. In all fairness ay maganda pa ang damit. Hindi luma. Ang totoo niyan ay may tag prize pa ito nang mabili niya. At sa halangang one hundred fifty pesos ay may Valentino dress na siya. Amazing shop! Alam niyang mahal ang brand na ito dahil isa ang Valentino sa mga paborito niyang brand ng damit. Pinaresan niya iyon ng isang red doll shoes na nabili niya rin sa ukayan. In fairness naman kay Toby at ito ang naglaba ng mga damit na kanyang pinamili. Pero pinapanood niya ito habang naglalaba ng kanyang mga damit na kahit hindi niya gusto ay wala siyang nagawa dahil kung hindi raw niya papanoorin ang paglalaba nito ay hindi nito lalabhan ang damit niya. Inayos niya ang kanyang see through bangs gamit ang kanyang mga daliri and she flipped her long shiny black hair.
Muli niyang sinuyod ng tingin ang kanyang kabuan. She ran her hands down her torso, straightening the imaginary wrinkles. Nang makontento sa nakikita ay noon niya kinuha ang itim na sling bag na nakapatong sa kama at isinabit sa balikat. Sa SM Shop rin niya nabili ang signature bag sa murang halaga. Lumabas siya ng silid at bumaba ng hagdan. Pupunta sila ni Toby sa university kung saan siya nag-aaral para mag-enroll ng summer class.
Lumingon si Toby na nakaupo sa lumang kawayang sofang napapatungan ng bulaklaking kutson nang marinig ang pagbaba ni Mitzi ng hagdan. Tumayo ito nang makita siya. His gaze made leisurely sweep over her body. She grinned proudly as she noticed the admiration dancing in his gray eyes as he stared at her. Hindi iyon nakaligtas sa mga mata niya. Hindi na bago ang ganoon sa kanya. Ilang lalaki na ba ang nakitaan niya ng ganoong titig. Nang magtama ang mata nila ni Toby ay tinaasan niya ito ng kilay. Giving him an “I know I am damn beautiful” look. Pero hindi nagtagal ang admiration na iyon ay biglang nawala.
“Change your clothes.”
Ang ngiti sa labi ni Mitzi ay nawala.
“What?” she asked, her forehead furrowed.
“Ang sagwa ng suot mo, magpantalon ka. Magmomotorsiklo tayo and your dress is inappropriate.” Sabay talikod nito at muling umupo. Her teeth gritted in so much annoyance. Ngali-ngali niya itong hampasin ng bag.
“Ayoko!” Pagmamatigas niya. Kunot-noo siyang nilingon ni Toby. Tinaasan naman niya ito ng kilay at ngumisi. She’s Mitzi Sao and no one can tell her kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin.
Bumuntong-hininga ang lalaki. “Okay, hindi na lang tayo aalis. Maglaba ka na lang ng mga damit ko at subukan mo lang na hindi sumunod at makakarating sa tatay mo ang lahat ng ito. The more na nagmamatigas ka the more na magtatagal ka rito. Now, you have to choose, brat!”
Her fingers rolled into fists. “Argh! I hate you!” Muli siyang bumalik sa taas at halos ibalibag niya pabukas at pasara ang pinto ng silid. Initsa niya ang shoulder bag sa papag saka inilagay ang dalawang kamay sa baywang at tumingala. That man is getting into her nerves. This can’t be! Dapat hindi siya ang naiinis, eh! Dapat ang lalaking iyon ang pinapasuko niya. Makikita talaga ng lalaking 'yan ang totoong Mitzi.

Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com