Jonah Complex Gl Hss 3 Completed
Palingun-lingon ako sa paligid nang makalagpas ako sa gate ng school. Nasaktuhan namang nagkasabay kami ni Val kaya kasama ko siyang naglalakad at iba na ang tingin niya sa akin."Ella, ba't ba lingon ka ng lingon? May tinataguan ka ba?" tanong niya. Umiling naman ko bilang sagot at pilit na ipinirmi ang mata sa dinadaanan hanggang marating namin ang classroom. "Eh, ano?""Wala naman."Pagpasok namin sa loob ay marami na kaming classmates na panay ang daldalan sa isa't isa dahil wala pang teacher. Pasimple kong nilingon ang paligid pero ni anino ng kambal ay hindi ko nakita. Papasok ba sila? Absent sila kahapon. Sinubukan kong i-chat pati i-message sa Wattpad si West pero wala akong nakuhang reply. Kinapalan ko na mukha ko at pati si East ay ni-chat pero wala rin."Good morning, Ella and Fabrega!" Bati ni Jo nang makaupo kami. Nilagay ko ang bag sa likuran ko at nginitian lang siya, wala namang reaction 'tong kaibigan ko. "How's your morning?""Ayos naman," sagot ko."Hindi maganda."Kumunot ang noo ko sa sagot ni Valeen, halatang wala nga siya sa mood. Anong problema ng babaitang ito? Kapag kasama namin si Julliana, bigla na lang siyang sumeseryoso. Kanina naman okay pa siya, ah.Si Jo naman parang wala lang sa kanya yung ginawa ng best friend ko, umikot pa talaga ito sa likuran nito para lang magbigay ng back hug. Walang reaction si Val pero hindi rin naman siya pumapalag. Ang gulo ng dalawang 'to."Sungit mo talaga sa akin," ani Jo. Tumawa pa ito. "May period ka?"Hindi sumagot si Val. Napailing na lang ako sa kanila. Ewan ko ba naman din kasi kay Jo, halata nang hindi siya trip ni Valeen pero palagi pa rin siyang dumidikit. Kung tutuusin ang daming lumalapit sa kanya dahil sa friendly vibes niya pero wala, gusto niya yata yung sinusungitan siya, eh. Napansin ko kasi kahit pabiro siyang sinusungitan ni West ay ayos lang sa kanya. Wait..."Jo," tawag ko."Yes, Ella?" Ngumiti siya at ipinatong ang baba sa tuktok ng ulo ni Val, umirap naman ang huli.Napakamot ako sa pisngi ko. "Alam mo ba kung bakit absent sina West?"Tumingin siya sa akin bago umiling. Saka ko naman napansin na nakuha ko ang atensyon ni Val dahil sa tinanong ko. "Hindi, eh. Curious nga rin ako.""Hindi mo ba sila nakakausap?""They're not replying to my messages, eh." sagot niya ulit. "Gusto mo puntahan natin sila sa kanila?""Sama ako," biglang sabi ni Valeen."Interested ka bigla, baby?" may halong pang-aasar ni Julliana kay Valeen. "Ikaw talaga, kapag sa crush mo..."Umirap si Val pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mukha niya. Hindi ko maintindihan pero parang bumigat ang puso ko sa thought na may crush nga pala siya kay West. Ang weird ko talaga recently, ano naman kung crush niya? Matagal ko naman nang alam 'yon."Okay lang kayang puntahan natin?" tanong ko.Nagkibit ng balikat si Jo. "Wala namang mawawala. So pwede ka ba?""Magpapaalam pa ako kay Mama na late uuwi kung gano'n.""Okay, ako rin. Ikaw, baby Fabregas?""Tigilan mo nga 'yang kakatawag ng baby!" Halatang iritable na si Val. "Sasama ako, magpapaalam lang din ako.""Very good!" Tumawa ng mahina si Jo na para bang wala lang sa kanya yung pagtataray ng isa. "And for the record, baby ko kayong lahat kasi we're all friends. Right, Ella?"Napatango na lang ako, kahit na nagtataka ako kung bakit hindi naman niya ako tinatawag na baby. Pero sige na nga lang, kung saan siya masaya. Hindi naman sa gusto ko tawagin niya ako no'n, weird lang dahil si Val lang naman madalas niyang tawagin ng baby.Hindi nagtagal ay may dumating nang teacher. Talagang hindi pumasok yung kambal na Hansen. Mahirap man mag-concentrate ay pinilit ko na lang makinig kahit na sure akong lalabas din naman sa kabilang tainga ko ang lahat.Buong oras yata akong lutang, mula sa unang subject hanggang sa panghuli ay wala akong naintindihan. Lumilipad lang ang isip ko sa whereabouts ni West...hanggang sa mag-lunch break na. Kung hindi pa ako kinalabit ng best friend ko ay hindi ko pa malalaman."Jollibee, lutang?" Nang-aasar na sabi niya. Napairap naman ako at pinalo yung notebook sa kanya bago ko itago sa bag ko. Buti hindi siya gumanti at pinandilatan lang ako ng mata. "Girl, kanina ka pa tulala.""Hindi naman, eh." Tanggi ko kahit totoo naman."Alam ko concern ka kina West, ako rin naman, kaya pupuntahan natin sila later." Inilagay niya ng maayos ang bag sa upuan at kinuha lang ang wallet at cellphone niya. "Smile ka na diyan, hindi bagay sa'yo nakasimangot ng sobra at baka mahipan ka ng masamang hangin.""Loka-loka," Natawa na rin tuloy ako."Babies, tara let's?" Pag-aaya ni Julliana na katabi na pala namin.Sabay naman kaming tumango at naglakad na palabas ng classroom. Muli na namang nanahimik si Val habang itong si Jo panay dikit lang sa kanya, halatang hindi affected sa pagsusungit no'ng isa. Para silang magkapatid na hindi ko maintindihan, ang liit kasi ni Jo kaya ang cute niya panoorin mangulit, parang bulilit lang.Maya-maya nang halos nasa entrance na kami ng canteen ay nakita namin si Lucy na mag-isang naglalakad. Oo nga pala, wala siyang kasabay. Nagkatinginan kaming tatlo at para bang mga nagkakaintindihan sa tingin pa lang."Lucy girl, sabay ka na sa amin!" Hinawakan ni Valeen sa braso ang babaeng tinawag na akala mo ay close sila. Obvious naman na parang nailang yung isa. Sino ba namang hindi, sa klase namin ay si East lang naman ang palagi niyang kadikit tapos most of the time nagsosolo pa sila na akala mo walang tao rito. "Okay lang?""Hinihila mo na ako, eh," may halong pagbibiro na sagot ni Lucy.Tumawa lang si Val saka bumitaw sa kanya. Nauna itong maglakad para maghanap ng table kaya naiwan kami nina Lucy and Jo na magkasabayan lang sa paglalakad."Sure ka okay lang sumabay ka sa amin?" tanong ko sa kanya. Baka kasi napipilitan lang lalo na at ang outgoing masyado ng pagkaka-invite sa kanya ng kaibigan ko, baka nahihiya lang tumanggi.Lucy nodded. "Minsan lang naman, wala rin naman akong makakasabay dahil hindi pumasok si East."Pinanood ko si Jo na sinundan si Valeen, parehas sila ngayon na palingun-lingon para maghanap ng pwesto. Ang dami kasing estudyante at ewan ko ba anong meron pero punuan ngayon dito sa canteen."Alam mo ba kung bakit wala sila?"Umiling siya. "Nag-message ako pero walang reply.""Pati kay West?""Nahihiya ako istorbohin siya. Pero nag-text ako once, wala ring reply.""M-may number ka niya?" Tumango siya. Nahihiya man ay nag-ipon ako ng lakas ng loob at saktong kapal ng mukha. "Pwede kong kunin?""Okay lang naman," Mula sa bulsa ng palda ay nilabas niya ang phone. She tapped something bago ipakita sa akin yung screen no'n, Hansen West ang nakalagay.Ang formal naman, una talaga surname bago first name.Nilabas ko rin ang cellphone ko at ni-type yung number ni West. Mabilis kong ni-save 'yon at napangiti sa kanya. "Ayos na, salamat.""Wala 'yon, friends naman kayo kaya ayos lang ibigay."Naupo kami sa nahanap na seat nina Jo, magkatabi kami ni Lucy habang kaharap ko si Val at katabi niya na yung isa."Hindi ko kasi nakuha number niya dahil may messenger naman," pagtutuloy ko sa usapan namin.Ngumiti siya ng tipid. "I know what you mean. Messenger is very efficient kasi these days, kahit free data lang pwede na.""True!""Nataon lang na hindi mahilig gumamit ng Messenger yung kambal kaya maigi na ring may number ka nila.""Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Jo. "Sali ninyo naman kami."Nagkatinginan kami ni Lucy at natawa."Wala."--"Luh, ang laki!" Kulang na lang lumaki ng parang sa tarsier ang mata ni Val habang nakatitig sa bahay na nasa harap namin. Sabagay, ganyan din ako no'ng una akong nakarating dito, ang laki-laki naman kasi talaga ng bahay ng mga Hansen.Mapapaisip ka na lang kung bakit sila sa public school nag-aaral dahil parang ang yaman nila. Obvious naman, eh."Mayaman yata sina East?" Napapatanong na reaction ni Val. Natawa naman si Jo at Lucy sa kanya kaya mas lalong nagtaka yung isa, miski ako nagtaka kasi para silang may internal joke na sila lang ang may alam."You guys don't know yet?" tanong ni Julliana. Sabay naman kamin napatango ng best friend ko. "They inherited this house from their parents. You may not be aware about this pero their father is a well known businessman and their Mom came from a wealthy family managing a large company as well.""O-okay lang ba na sinabi mo 'yan sa amin?" Tanong ko na tinanguhan ni Val. Feeling ko top secret yung nalaman namin kaya nakaka-intimidate, jusko.Akala ko may kaya lang sila sa buhay, middle class, ganoon, hindi ko naman ine-expect na literal na mayaman sila."Wait," Pinindot niya ang doorbell. Oo nga pala, nandito kami para i-check yung kambal at hindi pag-usapan ang buhay nila. Naghintay kami ng ilang segundo pero walang lumalabas sa bahay. Nag-doorbell pa ulit si Jo bago siya lumingon sa amin. "Hindi naman taboo yung tungkol sa status nila sa buhay, they just decided not to talk about it, siguro for them hindi naman iyon importante."Napatango na lang ako. Sabagay, hindi gano'ng tao yung kambal. Mas humble pa yata sila sa humble. Parang wala nga lang sa kanila, eh. Pero aaminin ko na may aura sila na parang iba sila kumpara sa amin."Pero ang alam ko yung panganay nila ang provider nila," sabi ni Val."Hm, oo," sang-ayon ni Jo. "Ate North is a teacher while managing her own coffeeshop at the same.""Yung The Hansen?" Valeen tried to confirm.Nanlaki naman ang mata ko. Biglang nag-flashback sa isip ko yung coffeeshop na pinuntahan namin ni West last time. "Huh?"Sabay na lumingon silang tatlo sa akin, mas nagulat pa ako sa pagtitig ni Lucy kasi kanina pa siya walang imik habang nakatuon lang ang atensyon sa malaking bahay na nasa harapan namin. So nakikinig pala siya."May coffeeshop yung panganay nila," sabi ni Val sa akin. "The Hansen ang pangalan. Ang sweet, 'no? Kasi parang coffeeshop na iyon ng magkakapatid at hindi lang sa ate nila.""At alam mo ba, may art gallery na extended doon," sabi ni Jo.Alam ko naman 'yon pero gusto ko pa rin makinig. At saka hindi pa rin ako makapaniwala na dinala ako ni West doon at hindi man lang sinabi na sa kanila yung lugar kahit na pinuna ko yung name no'n. Nakakaloka siya! Kaya pala ngiti-ngiti lang!"Kaunti lang ang nakakaalam pero yung artist ng lahat ng artworks na nandoon ay gawa ng kapatid din nila.""Marunong ba mag-paint si East?" tanong ni Val. Umiling si Lucy. "Edi si West?""Nakita mo na ba mag-drawing si West?" tanong ko sa kanya pabalik. Parang automatic na napag-connect namin lahat. Ah...si South."Wait wala pa ring nalabas," singit ni Jo sa usapan. Nag-doorbell ulit siya ng ilang beses pero wala talaga. "Mukhang walang tao.""Saan naman sila pupunta?"Walang sumagot sa tanong ko. Napatitig ako sa malaking bahay ng mga Hansen. Hindi ko maintindihan pero parang may pumipiga sa puso ko. Nasaan sila? May nangyari ba? Hindi ko maiwasang mag-alala."Uwi na ba tayo? Mukhang wala talagang tao, eh."Sumang-ayon na lang kami kay Julliana.--Ilang beses na akong napabuntong-hininga habang nakatitig sa cellphone ko. Panay titig lang ako sa number ni West, nag-iisip kung tatawagan ko ba siya o ano.Nagpagulung-gulong ako sa kama. Naguguluhan na braincells ko! Gusto ko siya kamustahin pero nahihiya naman ako tumawag o kahit mag-text man lang. Baka isipin niya ang creepy ko kasi kinuha ko number niya sa ibang tao.Hay...Namatay yung ilaw ng phone kaya in-open ko ulit. Nanlaki ang mata ko nang aksidente kong ma-click yung call icon. Mabilis akong nakaramdam ng panlalamig sa kamay. What the—"Oh, my gosh! Oh, my gosh!" Papatayin ko sana ang tawag kaso nagr-ring na. Lalong nagwala ang puso ko sa kaba. "Wait!"Nakatitig na lang ako sa phone, ni hindi ko alam papatayin ko pa rin ba o hihintayin na lang na sumagot siya. Iyon naman talaga ang purpose ng pagkuha ko ng number ni West, eh.Inhale-exhale ka, Ella. Inhale...ang hirap huminga!Napalunok ako at naghintay, pero lahat ng kaba at excitement at takot ko ay nauwi sa wala. Hindi siya sumagot.Napahinga ako ng malalim at sinubsob ang mukha sa unan. Ella Marie, anong ginagawa mo sa buhay mo?Lumunok ako nagsimulang mag-compose ng text. Nasimulan ko na edi lubusin ko na.Good evening. Bakit absent kayo ni East? Si Ella to.Ilang segundo rin ang itinagal bago ko na-click ang send. "Okay, girl, good job sa'yo."Siguro pwede na 'to. Ang mahalaga .ay ginawa ako kahit hindi ganoon ka-relevant. Kung mabasa niya at hindi siya nag-reply ayos lang. Ayoko mag-expect—"Shit!"Napatitig ako sa cellphone ko na muntik ko nang mabitawan nang mag-vibrate ito at lumitaw ang pangalan niya.West calling...Jusko naman, parang heart attack ikakamatay ko nito. Lagi na lang ako ginugulat!Hindi ako pasmado pero bongga ang pagpapawis at panlalamig ng kamay ko. Hindi pa nga na-swipe yung screen nang sasagutin ko na ang tawag kaya inulit ko pa. Itinapat ko ang phone sa tainga. "H-hello?""Ella."Napalunok ako. Feeling ko nawala lahat ng itatanong at sasabihin ko nang marinig ang boses niya. Parang ang tagal naming hindi nag-usap. Pero sabagay, wala pa naman kaming usap na matino simula no'ng...hay!"Hello?""N-nandito pa ako," mahinang sabi ko. Napahawak ako sa unan ng mahigpit. Ang init-init ng mukha ko hanggang leeg.Natawa siya ng mahina. "Akala ko nawala, eh. Kamusta? Where did you get my number?""Ano, kay Lucy...at saka okay lang naman ako." Napapikit ako at dahan-dahang nahiga sa kama. Tumingin ako sa kisame at tinaas ang isang kamay ko na parang may inaabot kahit wala naman. "Ikaw? Bakit kayo absent ni East? Second day ngayon.""Emergency lang, sabihin ko sa'yo pagpasok namin ulit."Gusto ko sanang tanungin kung bakit parang ang tamlay ng boses niya pero baka ayaw niya. Napatango ako kahit wala naman siya sa harap ko. "Papasok na ba kayo bukas?""Hindi pa."Tumango ulit ako na parang sira. Hindi ko na alam ang sasabihin, pero sure ako na nag-aalala ako sa kanya, na gusto ko siyang kamustahin. Gusto kong magkuwento siya ng mga bagay-bagay kasi magkaibigan naman kami.Ang weird pero ngayon ko lang na-realize na kahit may label kami as friends, parang wala lang din. Siguro kasi kinikilala pa namin ang isa't isa. Basta ang alam ko lang mabait siya, considerate, lowkey na mapang-asar, at sinasapian kapag nakakainom. Ang daming pwedeng i-describe sa kanya pero superficial lang lahat ng alam ko."West?"Gusto kong malaman kung anong iniisip niya."Yep?"Gusto kong malaman kung anong nararamdaman niya."Okay ka lang ba?" Lakas loob na tanong ko. "Ang tamlay mo. Malungkot ka ba?"Gusto kong malaman yung mga bagay na hindi alam ng iba sa kanya. Yung alam kong sa amin lang dalawa. Ang weird ko."Hmm..." Narinig ko yung paghinga niya ng malalim. "Hindi, pero ayos lang naman.""Ano bang nangyari?"Tumawa siya ng mahina. "Hindi ako okay pero masaya ako na tumawag ka. Is that enough for now?"Natigilan ako. Lalo lang akong nac-curious. Imbes na ma-lessen yung naf-feel ko ay lalo lang akong nag-aalala sa kanya."Ako lang naman ang tumawag, maka-masaya 'to.""Ella, ikaw ang tumawag, isn't that enough to make someone happy?" Kulang na lang ay mag-palpitate ako sa narinig. "Appreciate yourself more, that's beauty.""Edi...sana maging okay ka na," mahinang tugon ko, "since tumawag ako.""Thank you, Ella."Niyakap ko ang unan nang mahigpit. Weird talaga. May pakiramdam ako na may nagbago._____
Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com