Jonah Complex Gl Hss 3 Completed
Isa lang ang masasabi ko sa nangyayari ngayon...Shit.Seryoso talaga si Valeen sa kagustuhan niyang maligawan si West.Ilang minuto na ako rito sa tapat ng pinto at sa loob ng living room ay nandoon ang tatlo—ang best friend ko, si West, at si Ate North.Wala akong marinig dahil sa background music, ayoko rin naman pakinggan kung ano man ang pinag-uusapan nila dahil sure ako na humihingi na ngayon ng permission si Val para maging legal ang panliligaw niya kay West.Para akong tanga na hindi mapakali. Hindi ko alam, feeling ko may maling desisyon akong ginawa sa buhay. Parang very wrong nga yata talaga ako. Ngayon na nandito na ako sa point kung saan approval na lang ng dalawang Hansen ang hinihintay ni Valeen, pakiramdam ko kumakaway na sa akin ang regret.Pero wala naman akong lakas ng loob.Bawat minutong lumilipas, mas nar-realize ko lahat ng mga naramdaman ko na either hindi ko namamalayang umusbong o talagang tanga lang ako na laging nagr-rationalize ng mga bagay-bagay.Pero wala, eh. Nandito na kami, kahit anong gawin ko walang mangyayari. Alangang bawiin ko lahat ng sinabi ko, alangang talikuran ko si Valeen? Ayoko maging ka-rival yung kaisa-isang best friend ko na laging nasa tabi ko simula pa noong una.Pero, shit talaga.Bakit ngayon ko pa natanggap na gusto ko na si West? Na mutual feelings lang kaming dalawa?May parte sa loob ko na umaasa na tatanggi si West sa gusto ni Val, na maiisip niyang i-pursue ako. Pero, Lord, ang kapal naman ng mukha ko no'n.Si West Hansen? Susuyuin si Ella Marie Tagle? Jusko, joke ba 'yon? Kumpara sa aming dalawa, siya yung tipo na maraming magkakandarapa sa kanya tapos ako nandoon sa pinakalikuran ng pila para lang makita siya.Kaso wala naman akong lakas ng loob din sabihin na, uy, West, gusto rin kita. Parang sira lang, after ko hayaan si Val.Napahawak ako sa bandang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Parang ang hirap huminga, parang may masakit pero alam ko namang normal lang ang heart rate ko, wala akong karamdaman sa puso, lalong healthy akong tao kahit inaasar akong Jollibee ng best friend ko. Okay na okay ang physical aspect ko pero...may masakit talaga.Parang gusto kong umiyak sa sakit. Kaso birthday party ni South ito, ang epal ko kung dito ako magda-drama.Hay...gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang kausapin si Mama at Mimi, baka sakali alam nila ang sasabihin.Gusto ko marinig sa kanila na bata pa ako at okay lang 'to, lilipas din lahat. Na crush lang 'to at hindi gusto, na bukas makalawa, may makikita akong bagong crush.Pero sinong niloloko ko? Dalawa na nga girl crush ko pero iba yung dating ni West sa akin.Dapat nga kinakabahan na ako, like...Newsflash! Si Ella, baliko rin pala!O baka kay West lang ako ganito.Kasi after all, babae man siya o lalaki — wala nang ideal guy. It's just her. She's the idea itself.Tuwing naiisip ko si West, hindi na pumapasok sa isip ko na siya yung favorite writer ko, na siya yung girl crush ko. Somehow, unknowingly, hindi ko namalayan na okay, nakikita ko na si West as West, just West. No secret identity."Huy, magiging kamukha mo na yung halamanan."Napatingin ako kay Jamaica na bigla- bigla na lang sumusulpot. Nakangiti lang siya sa akin habang tinataas-baba ang kilay. Ewan ko kung nang-iinis siya pero parang gusto ko siya pitikin saglit."Waiting lang ako.""Kanino ba?""Kina Val," mapaklang sagot ko. Sana lang hindi niya nahalata na nagbi-bitter mode na ako. "Kausap nila si Ate North.""Ano meron?""Wala naman, usap lang."Tumawa siya. "Tingin ko alam ko na, halata sa mukha mo. Meet the in-laws na pala—""Luh, manliligaw pa lang!""Edi tama pala nasa isip ko. Thanks for telling me!" Kumindat siya. Saka ko lang na-realize na inuto lang niya ako para magsabi.Hindi na lang ako kumibo at aalis na dapat pero hinawakan niya ako at hinila papunta sa tabi niya. Tiningnan ko lang siya pero wala na akong sinabi.Hay...sana matapos na ang araw na 'to."Alam mo, sobrang obvious mo." Narinig kong sabi niya. Sumandal siya sa tabi ko na akala mo magaan lang siya at maliit. Matangkad pa siya sa akin. "Parehas kayo ng best friend mo, halatado.""Hindi ko alam sinasabi mo, ah."Binelatan niya ako at natawa. "Tara na nga, igagala kita sa mansyon namin.""Girl, walang mansyon mo.""Makisakay ka na lang, si West nga hinahayaan ako."Hindi na lang ako kumibo. Inangkla niya ang braso sa akin kahit hindi naman kami considered as close friends. Naglakad-lakad kami palayo sa party at pumunta sa mas discreet na area, dinig pa rin ang music pero mas tahimik.Nakita ko rin sina Ate Jade at South sa kabila, napansin ko rin na papalapit sina Lucy and East sa kanila pero saglit lang dahil naharangan na kami ng mga bulaklak at halaman."Akala ko igagala mo ako?""Wala naman akong sinabing yung bahay ang mansyon ko, tama?" Tinaas niya ang isang kilay. "Ito ang mansyon ko, Ella, bawal ba?""Hindi naman.""Oh, see?" Napakamot ako sa ulo ko. "Biro lang. Mas okay na rito para medyo tahimik. O baka gusto mo sa loob talaga ng bahay?""Okay na rito." sagot ko. Kaysa naman makasalubong namin bigla sina Val. Parang ang awkward sa part ko.Pero awkward din na kami lang ni Jam. Siguro mas ayos na 'to, mamaya na ako haharap sa kanila.Kahit papaano ang calming ng area na 'to, not that intimidating ang kabuoan ng lugar, iba lang talaga ang Hansen residence, homey kahit ang laki-laki."Buti hindi ka curious kung bakit hindi ako halos napasok sa school?""Curious naman," Nilaru-laro ko yung dahon na malapit sa akin. "Wala lang ako sa lugar para magtanong.""Buntis kasi ako."Aksidente kong nabunot yung dahon na nilalaro ko at napatingin sa kanya. "Huh?""At si West ang ama.""Huh?!"Natawa siya ng malakas sa naging reaction ko. Saka ko lang na-realize kung bakit. Utang na loob, Ella! Maniwala ka ba naman! Paano mangyayari 'yon!"Funny ka, Ella. Ang lutang mo! Asa namang si West, hello, nasaan sperm cells no'n?" Umirap siya habang natatawa pa rin. Halos maluha na siya kakatawa, ako naman ay pasimpleng napatingin sa tiyan niya. Parang flat naman. "Siyempre yung boyfriend ko.""Ah, edi, ano..." Humugot ako ng malalim na hininga kasi hindi ako sure sa sasabihin. Kahit kasi nakangiti siya, iba yung napapansin ko sa mata niya. Parang hindi naman siya masaya. "Congrats?""Thank you, kaso wala na kami ni boyfie.""B-break na?" Parang hindi na ako nagulat sa narinig."Hindi nakipag-break pero parang ganoon, nawala na lang, eh. Tinakas, gano'n.""Pero, paano yung ano, yung baby diyan sa tiyan mo?""Edi, ayon, baby pa rin." Tinitigan ko lang siya dahil sa sagot niya. Hindi ko malaman kung seryoso siya o ano, alam naman nang sensitive yung topic namin. "Serious mo masyado. West ka, girl?""Ewan ko kamo sa'yo, Jamaica.""Basta aalagaan ko baby ko. Kung ayaw ng tatay edi don't.""Kaya mo ba? Ang bata mo pa, fifteen or sixteen ka lang, 'di ba?"Parang ako yata yung mat-tense para sa kanya. Hindi ko ma-imagine na magkaka-baby ako ng ganitong age, baka ibitin na lang ako patiwarik ni Mama. Tsaka itsura ko namang 'to, wala naman akong alam gawin sa buhay. Pero sabagay, wala naman nga pala akong boyfriend tapos babae naman nagugustuhan ko rin."Actually 17 na pero tama ka naman, ang bata ko pa." Kinuha niya yung dahon na nahugot ko at tiniklup-tiklop iyon. Umupo siya sa damuhan, mabuti na lang at naka-pants siya. "Sinabi ko naman na kay Mama at Papa. Nagalit sila at first, pero wala naman na akong magagawa at nandito na.""Okay na sila sa kanila ngayon?" Curious kong tanong. Kapag nanonood ako ng palabas sa tv, laging nasasampal ang babaeng anak kapag nalalaman na nabuntis si ate girl. Curious lang din kung nangyari sa kanya 'yon or calm type parents niya."They're trying to." Nagkibit siya ng balikat. "I decided to stop studying for a while, siguro hanggang maging stable ang lahat. Having a baby can be troublesome but no one's complaining, or at least that's what I like to think."Natahimik kami ng ilang minuto. Sa nalaman ko tungkol sa kanya, hindi ko alam kung anong iisipin, parang nakaka-blangko ng utak. Siguro kasi ang dami lang ganap ngayon."Si West ba, alam na niya?"Tumango siya. "Umiyak pa nga, eh. Akala mo siya ang nabuntis.""Concern lang sa'yo yung tao." Parang hindi ko ma-imagine na magiging ganoon ka-emotional si West."I know, pero mas prefer ko kung nag-smile na lang siya for me kaysa umiyak. Nakaka-guilty kasi sa feeling na relief ang una kong naramdamman no'ng umiyak siya. I felt really loved, that I'm not alone.""Ganoon naman dapat, 'di ba?""Weird lang ako, hayaan mo na." Tumayo na siya. "Tara na, amoy halamanan na tayo."Unconsciously ay napaamoy ako sa sarili ko. Hindi naman amoy halaman.Sakto pagbalik namin ay nakasalubomg namin sina West. Automatic na namang kumabog ang dibdib ko. Pero natigilan ako nang bigla na lang akong salubungin ng yakap ni Val."She said yes!" bulong niya sa tainga ko.Napalunok ako. Kahit may something sa loob ko ay nginitian ko siya at tinapik sa balikat. "Naks, dalaga na si Val!""Girl, tagal na. Pretty pa.""Luh, feelings.""Wala, masaya ako so hindi kita papatulan. Basta pumayag siya!"Tinawanan ko siya kahit feeling ko may mahapdi sa loob ko. Tiningnan ko si West at nahuling nakatingin din siya sa akin pero hindi ko ma-gets yung nakikita ko sa mata niya.--Napahinga ako ng malalim nang lumapat ang likuran ko sa kama. Ang gaan sa pakiramdam na nakauwi na ako, na hindi ko na kailangan ngumiti-ngiti kahit wala ako sa mood. Gusto kong maiyak pero hindi ako makaiyak.Wala, too late na talaga. Nagliligawan na yung dalawa. Pumayag na si West. Wala naman talagang rason para tumanggi siya, ako itong parang tangang hindi siya sinagot ng maayos after niyang umamin.Hindi ko naman din kaya. Hayaan ko na lang siguro, okay lang 'yon. Magiging okay rin ang lahat. At least, nasa mabuting kamay si Val, at ganoon din si West sa kaibigan ko. Wala naman siyang mapapala sa akin, eh.Bumangon ulit ako para magpalit na ng suot. Tamad na tamad ako pero kapag wala akong ginawa, mag-iisip lang ako ng mag-iisip. Parang gusto ko nga rin maglinis ng buong kwarto at pati kabahayan, eh. Kaso magtataka si Mama, lahat pa naman binibigyan no'n ng meaning.Hindi naman siya mali.Pagkatapos magpalit at maglinis ng katawan ay humilata na ulit ako. After ng ilang minuto ay bumangon ulit ako para lumabas ng kwarto—para lang pasok ulit sa loob.Jusko ka, Ella! Mapirmi ka nga!Nakagat ko ang ibabang labi at dumapa na lang sa higaan yakap-yakap ang unan ko.Paulit-ulit pumapasok sa isip ko yung kanina. Yung kwento ni Val kung gaano ka-openminded si Ate North dahil pinayagan siya manligaw, maging si West nang pumayag ito. Lahat yata ng details binigay niya sa akin at sa unang pagkakataon—ayoko marinig lahat."Sama mo kamo," bulong ko sa sarili ko.Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Late na pero ayoko pang matulog. Nakatitig lang ako sa screen nito nang may lumitaw na Wattpad notification sa top left ng screen. Kumabog ng mabilis ang puso ko nang mabasa iyon.Nishi_Ishin just published a new story!Ano 'to! Ano 'to!Napabangon ako at in-open ang Wattpad. Ang weird, usually, hindi magp-publish si West ng story hangga't hindi pa completed yung ginagawa niyang story. Chineck ko yung kina Jared na story at ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makitang naka-on hold iyon!Shit, anong ginagawa mo, West? Bakit hanggang sa Wattpad ginugulo mo ang isip ko?Nag-decide akong i-click yung new story ni West. Jonah Complex...wait, bakit Jonah Complex ang title? I read the story description. Hindi ko alam pero bigla na lang akong pinagpawisan ng malamig.Ang Wattpad writer na si Unwritten_Stew ang ideal guy ni Marie. Hindi naman talaga niya ito kilala pero pakiramdam niya ay kasing flawless nito ang mga characters na isinusulat. Pero nang malaman niya ang totoong pagkatao ng manunulat in the most unexpected way...masasabi pa rin kaya ni Marie na ito ang ideal "guy" niya?Shit. Oh my ghad. Teka, wait.Lord! Bakit parang pamilyar!_____
Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com