RoTruyen.Com

Slept With A Stranger Wattys2015

@aina @LynneDoll @mahra.. dahil masyado kayong na high blood sa the real heiress paliligayahin ko muna kayo dito. Haha!

________________________________

Montecillo Company:

"Hi Mr. Lopez, nice to meet you  again sir."

"Nice to meet you Mr. Montecillo." Nagkamay ang dalawa.

"Have a seat sir." Nag pasalamat ito at umupo. Umupo din si Miguel sa swivel chair nito.

"I'm here again Mr. Montecillo, trying to convince you again about the investing.  I have a new proposal." Mr. Lopez states, ngumiti si Miguel dito.

"Pumapayag na ako. Mag i'invest ako sa company niyo." Miguel declared.

Nagulat si Mr. Louie Lopez sa pahayag ni Miguel. Ang totoo pangatlong beses na nila itong pakikipag meeting pero hindi sila nito  napagbibigyan.

"Pero hindi mo pa nakikita ang proposal ko, pumapayag ka na." Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Your daughter came here and she'd discussed it already."

"My daughter?" Gulat na tanong nito. Ngumiti si Miguel.

"Yeah, Cassandra. She's your daughter right?" Tumango-tango ito na hindi parin mapaniwalaan ang narinig.

"But how?"

"Well, she came to ask me na maginvest ako sa company niyo without any proposal. Nakakatuwa siya, malakas ang loob. Wala naman daw siyang alam sa business  niyo, ginawa lang niya talaga para sainyo." Mahabang paliwanag ni Miguel.

"You're lucky Mr. Lopez to have a daughter like her." Napagisip ang matanda, hindi niya inaasahan ang maririnig mula dito.

"So, okay na. Mag I-invest ako sa company niyo, discuss niyo nalang sakin ang proposal at kung anong benefits ang makukuha ng company  namin."

"Salamat Mr. Montecillo. This is a big help for us. Thank you very much." -Mr. Lopez

"Walang ano man sir. For your daughter. Uhm. Can I ask you a favor sir?"

"Sure, anything for you." Mabilis na sagot nito.

"Can we have a dinner at your house?" Ngumiti ang matanda.

"Of course, it's my pleasure to have a dinner with you."

"Pwede ho bang kasama ang anak niyo?" Ngumiti ito at tumango.

"Ako na po ang bahalang magsabi sakanya." Nakangiting pahayag ni Miguel.

Nag meeting pa ang dalawa bago ito nagpaalam.

**

Galvez company:

"Good morning ma'am." Bati ng security guard kay Martina.

Ngumiti lang si Martina at tuloy-tuloy na pumunta ng elevator na saktong nakasabay si Reghie na nasa labas ng elevator at nagaantay din.

"Hi Martina." Bati ni Reghie dito habang nasa tapat ng elevator at inaantay ang pag bukas nito.

"Hi" Walang ka ngiti-ngiting bati din nito. Bumukas ang elevator at pumasok ang dalawa.

"Good morning ma'am." Bati ng elevator lady, ngumiti si Reghie dito, silang dalawa lang ang nakasakay.

Operator presses the number 25 on the panel and the door closed.  Katahimikan ang lumukob sa loob ng elevator. Hanggang sa marating ang 20th floor.

"Kumusta ang kaibigan mo? Where is she now?" Martina broke the silence. Tumingin dito si Reghie, pero si Martina ay nanatiling nakapako ang mata sa pinto ng elevator.

"Who?" Reghie asks

"Ibang klase din siya no? May talent din, no wonder if why she got pregnant in her young age." Nangunot ang noo ni Reghie.

"Linawin mo nga ang sinasabi mo?" Medyo irita na ang boses ni Reghie.

Bumukas ang elevator sa 23rd floor at may pumasok na dalawang lalaki, nag give way sila dito at tumayo sa likod nila ang dalawa at muling sumara ang elevator.

"Tell your friend to stay away from Iñigo, you know me Reghie." Sabay tingin nito kay Reghie.

Bumukas ang elevator sa 25th floor at lumabas si Martina, hindi na nakapag salita pa si Reghie na lumabas nalang din. Tumuloy si Martina sa opisina ni Iñigo pero saktong lumabas din si Iñigo.

"Hi Babe!" Martina greets him cheerfully at akmang hahalik ito pero agad na umiwas si Iñigo.

"Why?" Takang tanong ni Martina.

"I'm in a hurry Martina, I'm sorry. Let's talk some other time." Nagbeso nalang si Iñigo dito at umalis.

"Sir, saan po kayo pupunta?" Tanong ng secretary niya, saglit na huminto si Iñigo.

"I'm going to Tagaytay." Sumama ang mukha ni Martina sa narinig.

"Sir you can't leave, may meeting po kayo."

"Reschedule mo nalang." Ngumiti si Iñigo, sabay alis.

"Iñigo!" Natigil sa paglalakad si Iñigo ng tawagin siya ng daddy niya na kakalabas lang din ng office nito. Lumingon siya dito.

"Dad! You look great now." Masiglang sabi ni Iñigo.

"We're working in a same company,  pero ngayon lang tayo nagkita." Napakamot si Iñigo sa ulo.

"Saan ka na naman pupunta? Tagaytay again." Ngumiti si Iñigo.

"Ano bang meron sa resthouse mo? Why were you spending a lot of your time there?" Nagkibit lang ng balikat si Iñigo.

"Hi tito." Lumapit si Martina.

"Martina hi." Nagbeso ang dalawa.

"Sonia told me na bumalik ka na nga. Umm.. you both are...."

"No dad!" Mabilis na sagot ni Iñigo,  hindi pa man tapos ang sasabihin ng daddy niya.

"Yeah tito hindi pa, nag papakipot pa kasi si Iñigo. But soon mag kakabalikan din kami." Buong kumpyansang sagot  ni Martina at bahagyang tumawa.

"Dad I really have to go." -Iñigo

"No Iñigo, you'll stay. Kaya hindi ko mabitawan at maibigay ang posisyon ko dahil napaka irresponsible mo parin." -Madiin ang huling mga salita ng daddy niya.

"Ouch dad! You broke my heart.  I've been working hard for our company,  ngayon lang ako nagpa-peteks eh." Humawak pa ito sa dibdib niya. Nailing nalang ang daddy niya sakanya.

***

Bar:

"Ano dude? Hindi ka nakapunta sa Tagaytay no? Akala mo ah." Pabulong na sabi ni Matthew at tumawa ng mahina. Mariin niyang nakuskos ang noo niya ng daliri niya.

Nasa bar sila ngayon with the same company except Preyh. Inaantay nila ang kaibigan nilang kakauwi lang galing ibang bansa. 

"Hey mga dude!" Masiglang bati ng lalaki kakarating lang.

"David!" Nagsitayuan sila Iñigo, Matthew and Mark at nag bigay ng manly hug sa bawat isa.

"Kumusta?" Matthew asks.

"Great! Fine! Kayo kumusta?" Masayang masayang sagot nito

"Ito mas lalong gumwa'gwapo." Sagot ni Matthew at medyo tumawa pa. Umupo uli sila at sa katabi ni Mark umupo si David sa tapat ni Reghie.

"Reghie!" Sambit ni David na medyo nagulat ng makita si Reghie.

"Dave! God ikaw nga. Kumusta ka?" Gulat ding tanong ni Reghie. Tumingin si Matthew kay Reghie.

"You know him?" Matthew asks

"Yeah" -Reghie

"Don't tell me ex mo siya." -Matthew

"Silly! he is Andra's former suitor. Kaibigan niyo pala siya?" Excited si Reghie na malaman na kaibigan din ito nila Matthew.

"How's Andra? It's been  a long time, more than four years. Kumusta na siya? Malaki na siguro ang anak niya?" David asks.

"Sandali lang, don't tell me David. Si Andra ang great love mo na niligawan mo ng isang taon na nabuntis ng iba?" Matthew asks.

"Yung dahilan kung bakit ayaw mong pumunta ng Canada at ang dahilan  din kaya ka nangibang bansa ka?" Mark asks too. Tumango si David.

"Oh men! Small world." Napahawak pa si Matthew sa ulo niya.

"Kilala niyo din si Andra?" Tanong ni David.

"Kilang kila." Matthew replied

Hindi naman makaimik si Iñigo, nagulat din ito sa nalaman. Alam kasi nila kung gaano nito minahal ang nililigawan noon at iniyakan pa nito. Pinagtawanan pa nila ito dahil todo iyak talaga ito.

"Reghie kumusta siya? Sino ba talaga ang napangasawa niya?" Tanong ni David.

"Wala David. Single mom." Sagot ni Reghie.

"What!? Iniwan siya ng lalaking nakabuntis sakanya." Galit ang rumishistro sa mukha nito.

"Hindi ano, um. hindi niya kilala." Nangunot ang noo nito.

"Ano ibig mong sabihin?" -David

"Ano kasi David. um.. kasi... one night stand." Alangang sagot ni Reghie na hindi mo alam kung dapat niyang sabihin o hindi.

"What!? That's impossible, hindi siya gan'on Reghie. Alam mo yan." Sabi nito.

"Ow! Hindi ko alam na mahilig din pala makipag one night stand si Cassandra." Makahulugang pahayag ni Martina.

"Hindi siya gan'on Martina. It was an accident." -Sagot naman ni Reghie na medyo pinataas ang isang kilay.

"Of course ipagtatangol mo siya, kaibigan mo siya eh. I'm wild but I've  never been slept with a stranger." -Sinalubong din ni Martina ang tingin ni Reghie na halos magkaharap din sila.

"Tss. Kung ikukumpara sayo si Andra paniguradong wala ka sa kalingkingan ng pagiging matino niya. Baka nga kahit kuko hindi ka umabot." Sinamaan ni Reghie ng husto ng tingin si Martina.

"Hey chill. May issue ba kayo?" Tanong ni Matthew dahil pansin nito ang talim ng tingin ng bawat isa .

"Ako wala, ewan ko d'yan sa ex mo Iñigo,  mukhang kinakain ng insecurity." Reghie says as she looks at her dangerously.

"Excuse me. Totoo na naman ang sinasabi ko diba? Ka date niya si Miguel tapos sasama siya bigla kay Iñigo." Mataray na pahayag ni Martina.

"Martina stop it." Saway ni Iñigo dito. Inis na tumayo si Martina at umalis. Tsaka muling nagtanong si David.

"Reghie where's Andra? Gusto ko siyang makita. I want to talk to her. Marami akong gustong itanong sakanya. Kung bakit nagawa niya yun sakin? Kung bakit niya ako pinaasa." Isang taon itong halos nangligaw kay Cassandra.  Ito lang din ang en'entertain ni Cassandra na mang liligaw niya.

Pero bigla nalang isang araw sinabi ni Cassandra na buntis na siya at walang kahit isang paliwanag na binigay basta nalang umalis.

"David, hindi ka naman niya pinaasa talaga.  Nasaktan din siya sa nangyari. Aksidente lang ang lahat." Paliwanag ni Reghie.

"Hindi ko maintindihan Reghie." Huminga ng malalim si Reghie. 

"Sasagutin ka na talaga niya n'on, but suddenly,  nangyari yun."

"How? Panong hindi niya kilala ang lalaki?" Tanong ni David.

"Haist! Katangahan niya. Pumasok ba naman sa maling kwarto ng hotel. Ayun! Nagising may katabi ng lalaki, sa taranta ng gaga umalis na hindi man lang tinignan ang mukha ng lalaki." Paliwanag ni Reghie.

"Ang masaklap after a month ayun, she'd found out that she's pregnant. Saan niya hahanapin ang tatay ng anak niya kung ang nakita lang niya sa lalaki ay isang anchor tattoo sa likod ng balikat and horse shoe ring." Nagulat ang tatlong lalaki maliban kay David na wala naman alam sa nangyari noon kay Iñigo dahil problemado rin ito kay Cassandra n'ong mga panahon na yun.

Nagtinginan ang tatlong lalaki sa isa't-isa, para naman bumilis ang kabog ng dibdib ni Iñigo sa narinig.

"Yun ang dahilan ni Cassandra David, guilting guilty siya sa nangyari. Pag katapos mo siyang irespeto at mag antay ng gan'on katagal, mangyayari yun. hindi daw siya deserving para sayo. Lalo na n'ong nalaman pa niyang buntis siya." Mahabang paliwanag ni Reghie.

"Babe, Kailan yun nangyari? I mean yung kay Andra?" Tanong ni Matthew na halos paanas.

"Uhm. 4 years ago, more than 4 years.  Natatandaan mo n'ong una tayo magkita, yun yun, sa hotel sa ortigas." -Reghie explained

"Yeah, that was Iñigo's birthday." Anas ni Matthew sabay tingin kay Iñigo na nakatingin din sakanya.

"Oh men! Hindi kaya si I-- aww!" Sinipa ni Matthew si Mark sa ilalim ng table.

"What was that Mark?" Reghie asks. Tumingin si Mark kay Matthew na pinaningkitan naman siya ng mata.

"Wala, sabi ko hindi kaya ako yung lalaki. Hehe!" Sabi nalang nito  sabay ngisi. Napa tss lang si Reghie at inikutan ito ng mata.

Napabuga ng hangin si Iñigo sabay tayo at tumingin kay Matthew.  Gets naman ni Matthew at tumayo din.

"Labas lang muna kami, yosi lang, isang stick lang." Paalam nito kay Reghie. Tumango lang si Reghie.

Tumingin si Matthew kay Mark at nag sign ng zip your mouth.  Tumango naman si Mark.

Pumunta sila ng labas ng resto bar.

"Dude, hindi kaya si Andra yun?" Tanong agad ni Matthew sa hindi parin makapagsalitang si Iñigo. 

"Dude! Matthew, posibleng siya nga yun. Kung siya yun anak ko si Gelo dude." Napahilamos siya sa mukha at napasuklay sa buhok.

"Whooo! Sana siya nga yun. Sana siya yun." Napapatingala si iñigo at biglang napangiti.

"Pakiramdam ko siya talaga yun Math. Iba yung nararamdaman ko kay Gelo, kay Cassandra.  Parang ewan, unang kita ko palang kay Cassandra sa coffee shop. May something na akong naramdaman sakanya at kay Gelo,  ang gaan ng loob ko sakanya. " Napapabuga ito ng hangin ng paulit-ulit.

"Tatanungin ko si Andra." Pagkway sabi niya.

"Yan ang wag mo munang gagawin, hindi ka pa naman sigurado eh." Pigil sakanya ni Matthew.

"Pa dna mo muna si Gelo,  para maka sigurado ka, baka mamaya sabihin mo bigla magulat yun si Andra biglang umalis at magtago yun." Napaisip bigla si Iñigo.

"Matagal ang result n'on?" -Iñigo

"Padala mo sa US ang sample. Doon mo ipa'DNA maybe a week or two weeks may result na." -Matthew

"Pupuntahan ko ang mag ina ko."

"Mag ina mo talaga! inangkin mo na talaga ah." Napapailing na sabi ni Matthew, napangiti naman si Iñigo.

"Sana si Andra yun, sana nga anak ko si Gelo." Walang mapagsidlan ang saya na nararamdaman niya ngayon. Sobrang saya niya na malaman na posibleng si Cassandra ang babaeng hinanap-hanap niya noon at si Gelo ay posibleng anak niya. 

"Well, goodluck dude! Mukhang masaya ka naman sa nalaman mo. Tsk. Instant daddy ka." Napapangising sabi ni Matthew.

***

Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com