RoTruyen.Com

Slept With A Stranger Wattys2015

 "Hello," a kid greeted the old man back in his low voice.

"Ow! He's so adorable," Madam Sonia said amazingly.

"What's your name young man?" Mr. Timoteo asked.

"I'm Raine Louie Angelo Lopez, I'm 3," pinakita pa nito ang tatlong daliri. Pero ang labi nito ay bigla na lang nanginig at namula ang mata na parang iiyak. Nilapitan agad ito ni Iñìgo, umupo siya ng pa-squat.

"Hello, Sino ang kasama mo?" Iñìgo asked.

"Mommy," mahinang wika nito. At halatang naiiyak na talaga ito pero pilit nilalabanan.

"Where's your mommy?" umiling-iling ito. "I'm lost."

"Naiiyak ka ba?" umiling-iling uli ito.

"Mommy told me not to cry, big boy doesn't cry," ngumiti si Iñìgo.

"That's right. C'mon, let's find your mommy," kinarga niya ang bata.

"He's so cute! Parang ikaw lang Iñigo, noong bata ka," sabi ni Madam Sonia na nakasalikop pa ang dalawang kamay.

Tinitigan naman ito ni Iñìgo. Napangiti siya ng mapag-masdan ito. Tama ang mommy niya, may mga photograph siya na kahawig ng bata.

"Hanapin natin ang mommy mo ah. Ano pangalan ng mommy mo?" tanong ni Iñìgo. Pero napalingon sila ng may tumawag na babae sa bata.

"Gelo!" patakbong lumapit ang babae. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

"God Gelo! Come here!" kinuha nito ang bata at agad na niyakap.

"Bakit ka umalis sa tabi ni mommy!? I told you to stay, you make me so worried. Are you alright?" hinawakan nito ang mukha ng bata.

"Please, don't do that again. I'm so scared."

"Sorry mommy," yumakap dito ang bata.

"It's okay, baby! It's okay," hinaplos nito ang likod ng bata.

Napamaang naman si Iñìgo at Matthew ng husto.

"Andra! Is he your son? May anak ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Matthew.

"Yeah, he's my son. Salamat at kayo ang nakakita, kinabahan ako ng sobra. Salamat," umangat ang bata mula sa pagkakayakap.

"Sorry mommy, don't be afraid, I love you," napangiti si Andra, dahil hinaplos pa nito ang mukha ng ina.

"Not anymore, baby. Just promise me, you won't do that again if you don't want, mommy to worry ha?"

"Yes, mommy," walang masabi si Iñigo, habang nakatingin lang sa mag-ina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita.

"Pasenya na Iñigo, pasensya na po, naabala pa kayo. Sinama ko siya, wala kasi ang yaya niya eh. Pasenya na talaga," hinging paumanhin nito.

"No hija, it's okay. Your son is so adorable. Why are you here, anyway?" Madam Sonia asked with a sweet smile.

"Si Iñigo po," tumingin ito sa kanya.

"Tapos ko na ang lay out. Ipapakita ko sana sa 'yo," ani nito. Pero hindi sumagot si Iñigo. Nakatingin lang ito kay Andra.

"Iñigo, what's wrong? Tulala ka," Madam Sonia asked. Doon siya parang natauhan at napa-'ha' lang siya.

"Sabi ko tapos ko na ang lay out ng design," ulit ni Andra.

"Okay sige, sa office na lang tayo," blanko pa rin ang mukha nito at nakatitig pa rin sa mag-ina.

"Wait, mag-me-meeting kayo?" Madam Sonia asked.

"Yes mom. Siya ang interior designer na mag-aayos ng resthouse," Iñigo stated.

"Hija, if you want, I can look after him, habang nag me-meeting kayo. Para makapag-discuss kayo ng mabuti," Madam Sonia suggested.

"Naku ma'am, 'wag na po. Okay lang po," tanggi ni Andra

"Sige na hija, please, pahiram muna ng baby mo."

"Sonia, manghiram talaga ng bata," saway ng asawa dito. Napangiti naman si Andra.

"E kung kasi binibigyan ako ng apo ng anak mo, hindi ako manghihiram," may pagkadismayang wika ng madam..

"Siya nga pala, I'm Sonia, Iñigo's mother and this is my husband, Timoteo," pakilala ni Madam Sonia na may maluwag na ngiti sa labi.

"I'm glad to meet you ma'am, I'm Cassandra Lopez," nakipagkamay siya sa mag-asawa. Bumaling ang matanda sa bata.

"Gelo, tama? You want to play with me?" tanong ng Madam sa bata. Tumango-tango naman ang bata, kaya tuwang-tuwa naman ang matanda.

"See, he likes me. Hija, please! I'll take good care of him," madam was begging.

"Kaso baka po mapagod kayo. Makulit 'to."

"It's okay, sanay ako sa makulit. Iñigo such an energetic kid, noong kasing edad niya ang anak mo, kayang-kaya ko 'yan," ngumiti na lang si Andra. Binababa nito ang anak niya at umupo ito sa harap ng bata.

"You want to play with lola?" tumingin ang bata sa matanda at muling tumingin sa kanya.

"Yes, mommy," he said as he nodded his head.

"Behave ka ha?" tumango-tango uli ang bata. Hinalikan ni Andra ang anak niya sa labi, saka tumayo.

Umalis nga ang madam na kasama ang anak ni Andra, sumunod naman dito ang asawa.

"Let's go, Andra, sa office tayo," aya ni Iñigo. Tumango si Cassandra at nag-patiuna na ito sa paglalakad.

"May anak na pala siya. Tsk. Sorry dude," bulong ni Matthew at tinapik pa siya sa balikat.

Natigil sila mula sa paglalakad at napalingon ng may tumawag sa pangalan ni Andra. Si Reghie at isang lalaki ang papalapit sa gawi nila. Nang makalapit ang mga ito ay humalik si Reghie sa kasintahan. Lumapit naman ang lalaki kay Cassandra at humalik sa pisngi.

"Where's Gelo?" agad na tanong ng lalaki na bakas ang pag-alala. Naisip niya na baka ito ang asawa ni Andra.

"Andra, asan si Gelo? Hay naku naman talaga! Bakit mo pinabayan?" inis na inis at tarantang tanong ni Reghie.

"He's okay, nakita ko na siya, nandoon siya sa mommy ni Iñigo," Cassandra stated.

"Andra, naman! katangahan talaga pinairal mo na naman. Nagka-Gelo ka dahil sa katangahan mo, mawawalan ka naman ng Gelo, dahil din sa katangahan mo. Hay! Pambihira ka naman, halos paliparin ko na ang kotse sa pagpunta dito. Kung makangawa ka kanina," Inis na sabi ni Reghie.

"E nataranta ako. Saka umayos ka, Reghie ah, sasapatusin kita. Maka-tanga 'to." Pinangdilatan pa nito si Reghie.

"Andra naman, bakit hindi mo na lang kasi iniwan muna kay Precious si Gelo? O kaya tinawagan mo na lang ako, para sinamahan kita," wika naman ng lalaki.

"Alam kong pagod ka sa byahe, kaya hindi na kita inabala pa," Cassandra said.

"Nga pala.. guys this is Aiken. Makakasama ko rin siya sa trabaho sa resthouse mo, Iñigo," nakipag-kamay naman ang binata sa dalawa.

"Okay, let's go in my office," nauna na si Iñigo na naglakad.

Sumunod naman ang iba pa. Pumasok sila ng elevator, pinindot ng elevator operator ang number 25 sa panel. Nasa likod si Iñigo ni Cassandra at Aiken. Napatingin siya sa kamay ni Aiken na nakaakbay kay Cassandra. Kaya naman pala hindi sumasama sa mga nag-aaya kasi may asawa na.- bulong ng utak niya at napabuntong hininga siya.

Sumandal siya sa stainless wall ng elevator at pinikit ang mata. Iniisip niya ang sinabi ni Preyh. Bakit kailangan nitong sabihin ang ganoon na parang nanunukso about the lunch, may asawa na naman pala na ito. Bakit din ganoon makipag-usap si Cassandra.

Hindi niya maintindihan bigla ang sarili kung bakit ginugulo siya ng mga nalaman niya tungkol sa dalaga. Parang may nararamdaman din siyang panghihinayang bigla na may anak at asawa na pala ito.

"25th floor," napadilat siya bigla ng marinig ang operator. Nagsilabasan silang lahat at nag-tungo sa office niya. Nagpunta naman si Reghie sa office ni Matthew.

"Have a seat," alok niya sa dalawa. Umupo siya swivel chair at ang dalawa sa harap ng desk.

"So, can we start?" Cassandra asked.

"Yes," tipid na sagot ni Iñigo na hindi man lang ngumi-ngiti.

Nilabas ni Cassandra ang laptop niya at in-on. Sinalpak nito ang flash drive. Tumayo ito na buhat ang laptop at nilagay sa harap ni Iñigo. Tumayo ito sa likod niya at sinimulang ipakita ang 3D images design.

"Dito muna tayo sa living room, ayan. What do you think?" tanong nito habang nakayukod.

"Good," tipid niyang sagot.

"Here's the kitchen," na-tense bigla si Iñigo, ng medyo lumapit ito habang in-i-scroll ang images gamit ang wireless mouse nito.

Ang mukha ni Cassandra ay napakalapit sa gilid ng mukha niya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. Parang nawala ang atensyon niya sa pinapakita nito. Wala na siyang narinig pa sa mga sinasabi nito.

"So, Mr. Iñigo, how is it?" humarap si Cassandra sa kanya na ganoon pa rin ang posisyon.

Humarap din si Iñigo dito, kaya nagkaharap ang mukha nila. Ngumiti pa si Cassandra ng pagkatamis-tamis sa kanya. Maybe it was just a simple smile na madalas nitong ibigay sa tao. Pero, iba ang dating sa kanya ng ngiting 'yon. Para sa kanya 'yon na ang pinakamagandang ngiting nasilayan niya. Kaya hindi niya mapigilang mapatitig dito. Kitang-kita niya lalo ang perpektong mukha nito.

"Perfect," wala sa loob na sambit niya. Compliment niya iyon hindi sa gawa nito, kung hindi sa ganda ng mukha nito. Bigla na lang umayos ng tayo si Cassandra marahil ay napansin din nito ang posisyon nila. At sa paraan ng pagtitig niya dito posibleng nailang din ito. Umupo na lang uli ang dalaga.

Gago ka Iñigo! Tama bang titigan mo ang babae na nasa harap mo lang ang asawa. – Kastigo niya sa sarili.

"Okay na. maganda. perfect," sabi na lang niya. Pero ang totoo, wala naman siyang naintindihan sa mga ipinaliwanag nito at wala sa photos ang focus ng utak niya.

"So, nagustuhan mo? Okay na 'yon?" she asked.

"Yeah."

"Okay, take this. Nandito ang estimated costs ng interior remodeling ng resthouse. Paki-review mo na lang," kinuha niya ang folder at tinignan.

Pagkatapos niyang tignan ito, kinuha niya ang checkbook sa drawer. Nagsulat siya ng amount at pinirmahan, pinilas niya ito at iniabot kay Cassandra. Kinuha ito ng dalaga at tinignan.

"Hindi mo naman kailangan i-full-"

"It's okay, ganoon din naman eh," putol niya dito. Binigay niya na kasi ang buong kabayaran.

"So, your husband is also an interior designer," he said. At sinulyapan si Aiken. Nagkatinginan si Aiken at Cassandra at sabay na natawa na ikinakunot ng noo niya.

"He's not my husband. Just a friend, actually, pinakiusapan ko lang siya na tulungan ako. Hindi talaga siya nag-ta-trabaho sa 'kin. Gusto ko lang kasi siya pag-ganitong malaki ang project, siya ang nag-mo-monitor ng mga workers. Mabilis kasi siya magtrabaho, in short magaling siya, napapagaan niya ang trabaho ko," Mahabang paliwanag nito. Tumango-tango siya.

"Nasa bakasyon nga ako, tinawagan mo ako for this, gagawin mo na naman akong karpintero," reklamo ni Aiken, ngumiti lang si Andra ng pagkatamis-tamis dito.

"But anyway, Andra, bakit mo pala tinanggap ang project na 'to. Akala ko ba ayaw mo ng project na out of town," tanong ni Aiken.

"Well, Reghie was asking me for this, alam mo naman 'yon hindi ka pwedeng humindi."

"Mahihirapan ka, everyday ka ba-byahe, from Manila to Tagaytay, Tagaytay to Manila and how about,  Gelo?" Aiken asked. Napaisip si Cassandra. Okay lang sa kanya ang byahe, pero ang anak niya ang iniisip niya.

"Um. I have a suggestion," tumingin ang dalawa kay Iñigo.

"Pwede kang mag-stay sa resthouse, habang hindi pa tapos ang remodeling," Iñigo suggested.

Kinatuwa ni Andra ang mungkahing niyang iyon. Agad itong pumayag at nakiusap na kung okay lang na isama ang anak nito. Syempre naman pumayag siya.

"Um. How about your husband? Okay lang ba sa kanya 'yon?" Iñigo asked.

"Don't worry, walang magagalit na asawa. Wala akong asawa," nagulat si Iñigo sa sinabi nito.

"What do you mean?"

  "Single mother ako."

"Since when?" napangiti si Cassandra at tumingin kay Aiken at tumingin uli kay Iñigo.

"Since I gave birth."

"Never been married?" umiling ito.

"Never been married," she repeated. Napatango-tango si Iñigo at ngumiti.

"That's good," kusang lumabas sa bibig niya ang salitang iyon. Napamaang naman ang dalawa sa tinuran niya.

"I mean, that's good, kasi wala kang ibang aalalahin dahil malayo ang location. 'Yon, tama, 'yon," then, he smiled. Sa hindi malamang dahilan ay parang nagalak siya bigla. Kanina ay talagang parang nawala siya sa mood.

Yumukod si Aiken kay Andra na parang may binulong. Nag-excuse naman ito sa kanya at lumabas.

"Um. I didn't expect na may anak ka na. He's adorable." Iñigo said.

"Yeah, he is." She said.

"How old is he?" he laces his fingers together. Tinukod niya ang kamay sa baba niya, habang ang mga siko ay nasa lamesa.

"3 years old, mahigit."

"Hindi mo siya kamukha," ngumiti ito ng tipid.

"Sa tatay niya siguro.. I mean, daddy niya ang kamukha niya."

"Maybe he looks handsome, kaya ang gwapo ng anak mo." tumango lang si Cassandra at yumuko.

"Stupid man," he said. Tumingin uli si Cassandra sa kanya, nag-tatanong ang tingin nito.

"He was so stupid, para pakawalan kayo," mapaklang ngiti lang sumilay sa labi nito. Napansin niya ang paglungkot ng mukha nito.

"I'm sorry," he apologized.

"Sorry for what?"

"For giving my opinions."

"It's okay." Tumayo ito at naglakad sa malaking opisina niya. Nagpunta ito sa may floor-to-ceilings glass window na tanaw ang nagtataasang mga gusali.

"Nice office, but a little bit boring," natawa ng siya ng mahina.

Tumayo siya at tumabi dito at tumingin din sa labas. Pinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Does it look boring?" he asked.

"A bit. No. it is." Muli siyang natawa at tumingin dito.

"Should I hire you again to fix it?" tumingin ito sa kanya at ngumiti.

"I'm residential Interior designer, hindi ko line ang offices. Pero kaya ko din naman 'to," muli itong tumanaw sa labas. Humarap siya dito.

"Can you just look at me, Cassandra," humarap sa kanya si Cassandra at sinalubong ang titig niya dito.

"Do you think, I'm boring?" bigla itong yumuko, napangiti naman siya dahil halatang nailang ito. He put his forefinger under her chin and he gently lifted it up. dahilan para magtamang muli ang mata nila.

Animo'y bolta-bultahing kuryente ang dumaloy sa buo niyang sitema sa pagdaiti ng daliri nito sa balat niya. Pakiramdama niya tumalon ang puso niya ng ipakita na naman nito ang pamataytay nitong half-smirk. She gulped out of uneasiness.

Masyadong pormal ang suot ni Iñigo, itim na suit ang suot nito, ang linis-linis, tignan at ang bango-bango. Mapakaswal o mapapormal ang suot, lahat bagay, saksakan ng gwapo.

Bigla na lang siyang nailang ng sobra-sobra at napayuko bigla.

"Naiilang ka bang tumitig? Parang dati lang hindi naman ah?"

"Am I affecting you now?" Mabilis na umangat siya ng mukha at ang kumag—ngiting-ngiti. Napaawang ang bibig ni Cassandra sa sinabi nito.

"Wow! Grabe! Haha! Mr. Iñigo Galvez, 'sing taas ng building niyo ang self-confidence mo," natawa ito.

"Of course, kailangan 'yon as a business man. Self-confidence is extremely important in almost every aspect of our lives, specially in businesses."

"Well, I'm sorry to say but I'm not part of your business, Mr. Galvez. So, don't apply it on me," tinawanan lang siya uli nito.

"Pero sabagay, it's still a business. Kung sa tingin mo na bibigyan kita ng discount, I'm sorry but I can't, fix na 'yon. Malulugi ako," talagang natawa na 'to. Natawa na lang din si Cassandra.

"Mommyy!" napalingon sila sa may pinto. Patakbong lumapit sa kanya ang anak niya at yumakap ito sa hita niya. Kasunod din nito si Madam Sonia.

"Naging good boy ka ba?" malambing na tanong niya sa anak habang nakayukod siya dito.

"Yes, mommy!" tumakbo ito sa swivel chair at umupo.

"Gelo, wag ka d'yan. Hali-"

"Let him be," pigil sa kanya ni Iñigo. Pinaikot-ikot nito ang swivel chai, hahawak sa lamesa sabay itutulak ang sarili para umikot

"Nakakatuwa siya, pati ang pangalan niya alam niya kung saan nanggaling ah... I asked him kung bakit ang haba-haba ng name niya. He explained it to me." ani Madam Sonia.

"Talaga mom!? Ano naman sabi niya sayo?" Iñigo asks

"Raine daw kasi pinanganak mo siyang umuulan, Louie from his grandfather's name and Angelo from his tito's name who passed away." Sabi ni Madam Sonia habang nakatingin kay Cassandra.

"Opo, alam niya po talaga. Sinabi ko kasi sakanya yun." Lumapit uli si Gelo sa kanila. Umupo si Iñigo at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Hi Gelo, can we be friends?" Nakangiting tanong nito kay Gelo. Tumango ang bata sabay yakap kay Iñigo na ikinatuwa nito. Kumalas ang bata sa pagkakayakap.

"You can call me Tito Iñigo." Ngumiti ang bata.

"Okay, tito Iñigo."

"Friends!" Inabot niya ang kamay dito para makipag kamay pero imbis na makipagkamay ang bata. Kinuyom nito ang palad nito tanda na gusto nito ng fist bump. Natawa si Iñigo dito at nikapag fist bump na rin.

"Gelo!" Lumingon ang bata sa likod niya.

"PAPA AIKEN!" Tuwang-tuwa ito at tumakbo palapit. Agad naman nitong binuhat ang bata.

"Aaah! You're so heavy now. Did you miss me?" Ginulo pa nito ang buhok nito.

"Yes" Sabay yakap dito. 

         TUMAYO si Iñigo sa pagkakaupo habang nakatingin sa dalawa. Nakipag fist bump dito ang bata. Doon niya na isip na ito siguro ang nag-turo ng ganoon.

"Andra! Tapos na ba kayong mag usap? Kung tapos na kayo baka pwede na tayong umalis." Aiken says. Tumingin uli ito sa bata.

"Where do you want to go?" Aiken asks Gelo.

"Gusto ko bump car!" Tinaas pa nito ang dalawang kamay.

"Bump car!? Okay! Bump car tayo."

"Yehey! The best papa Aiken, the best papa Aiken." Tuwang-tuwa ito.

"Let's go mommy! Gelo wants to ride the bump car." Aya ni Aiken kay Cassandra. 

"P'ano Iñigo! We have to go na. Tatawagan kita kung kailan kami pupunta ng resthouse mo. Excited masyado yung dalawa." Sabi ni Cassandra

"Okay" yun lang nasabi ni Iñigo. 

"Bye tito Iñigo,  b'bye lola." Paalam ng bata.

"Bye Gelo!" Paalam ni Iñigo.

"Pasyal ka uli dito Gelo ah! Bisitahin mo si Lola." Sabi naman ni Madam Sonia.

"Mauna na po kami, it's nice to meet you Ma'am." Paalam ni Cassandra kay Madam Sonia.

"It's nice to meet you too hija." Madam Sonia says at lumabas na at lumabas na ang tatlo.

"Kailan mo ako bibigyan ng apo Iñigo? I want to have like him. He's so adorable."

"Don't worry mom, very soon." Iñigo says sabay punta sa swivel chair niya. Sumunod agad ang mommy niya.

"Really?! When?" Umupo ito sa tapat ng desk.

"O'order palang ako."

"Hay! Ewan ko sayo." Sabay tayo nito at lumabas ng office niya. Napailing nalang si Iñigo.

Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com