Slept With A Stranger Wattys2015
"Akalain mo 'yon may anak na pala si Andra," ani Matthew kay Iñigo. Kasalukuyang silang nasa opisina ni Iñigo. "Oo nga eh." "So..." "What?" Iñigo asked. "Is that okay with you? Ready ka bang maging daddy ng anak niya?" Nangunot ang noo niya. "Anong sinasabi mo?" Iñigo was consufed. "Dude, obvious naman na may gusto ka eh." "And where did you get that Idea?" Umangat si Matthew sa pagkakasandal at humarap ng husto sa kanya. "E bakit mo siya tinatawagan lagi? Halos araw-araw." Tanong ni Matthew "Pinagsasabi mo?" pag-mamaang-maangan niya. "Reghie told me, araw-araw mo raw tinatawagan," Matthew said and smirked. "To ask her about the layout," sagot niya. Natawa ng mahina si Matthew. "Kahit sinabi sa 'yong 3 weeks bago matapos. Ang obvious mo," naiiling na sabi ni Matthew. Napa-haplos na lang si Iñigo sa ulo. "Hindi nga daw 'yon natutulog para lang matapos agad ang layout dahil tawag ka daw ng tawag." "Talaga!?" lalong napangisi si Matthew sa reaksyon niya. "Wala ka ngang gusto. Pero kung nakita mo lang ang itsura mo kanina ng malaman mong may anak si Andra, mukha kang tanga na nakatulala." "Praning ka lang. Kung ano-anong sinasabi mo," pinagtawanan lang siya ni Matthew. **** "Let's go baby, we're going to Tagaytay. Mag-ho-horseback-riding tayo doon. Gusto mo?" "Yes, mommy! I wanna ride on a horse. Yehey!" napangiti si Cassandra sa nakikitang pag-ka-excited ng anak. Lumabas sila ng gate habang hawak niya ang kamay ng anak. May isang magarang black BMW X5 naman na huminto sa tapat ng bahay nila. Mabilis na umibis ang lulan nito na ikinagulat ni Andra. Hindi niya inaasahan na si Iñigo iyon. Iba kasi ang dala nitong sasakyan noong nagpunta sila ng Tagaytay. At ano naman ang ginagawa nito dito. "Tito Iñigo!" tawag ni Gelo, sabay takbo palapit dito. Kinarga naman agad ito ni Iñigo. "Hay! Bagay silang maging mag-ama 'no yaya?" lumingon si Cassandra mula sa kanyang likuran. Nasa likod na rin pala niya si Preyh at yaya ni Gelo. Binalik niya uli ang tingin kila Iñigo. "Oo nga ma'am Preyh, ang gwapo niya sobra. Bagay sila ni Ma'am Andra." sagot naman ng yaya. Nilingon niya uli ang dalawa. "Kayong dalawa pwede ba manahimik nga kayo," saway niya sa dalawa. Lumapit sa kanya si Iñigo. "Hi," bati nito sa kanya. "Hello, anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "Naisip ko lang na samahan na kayo papuntang Tagaytay. Paalis na ba kayo?" Ang usapan kasi nila sa Tagaytay na lang sila magkikita nito. "Oo, kasama ko si Preyh," sagot niya. "Tara," aya ni Iñigo. "Okay, ako na ang mag-di-drive ng kotse mo, Andra. Kay Iñigo ka na sumabay para hindi siya mainip... Let's go yaya," hindi na nakaalma si Cassandra ng hilain na ni Preyh si yaya sa kotse. Wala na siyang nagawa ng ayain at pagbuksan siya ni Iñigo ng pinto sa sarili nitong sasakyan. Sumakay na lang sila at agad ding sumakay si Iñigo. "Ready, Gelo?" nakangiting tanong ni Iñigo habang binubuhay ang makina. "Yess!" masiglang sagot ng bata kaya natawa ang dalawa dito. Pinaibis na rin ni Iñigo ang sasakyan. "Mommy, sakay horse ah." "Oo, sasakay tayo ng horse kaya behave ka." "Gusto mo sumakay ng horse, Gelo? Gusto mo sakay tayong dalawa?" tanong ni Iñigo. "Opo! Opo!" nag-pa-bounce-bounce pa ito ng pwet sa hita ni Cassandra. "Baby, 'wag malikot. Masakit na legs ni mommy," malambing na saway ni Cassandra. "Sorry," sabay harap nito sa kanya at hinalikan siya sa labi ng madiin. Natawa na lang siya dito at niyakap niya ang anak ng mahigpit. "Sweet na bata," wika ni Iñigo. "Yeah, he's very sweet. Always." "Kanino niya namana? sayo?" He asked. "Hindi ko alam. Hindi naman ako ganoon ka-sweet," nakangiting sagot niya. "Hindi ba mahirap mag-palaki ng bata na mag-isa?" "Mahirap, nakakatakot, lalo na 'pag nag-kakasakit siya. Sobrang nakakatakot, kung pwede lang kunin lahat ng sakit niya ginawa ko na. 'Yon ang pinaka-mahirap na part sa pag-aalaga ng bata." "He's lucky na ikaw ang mommy niya." "I'm lucky too to have him. Siya ang dahilan kung bakit ako naka-survive sa buhay." Sabi niya at hinalikan sa ulo ang bata na tahimik na ngayon, mukhang inaantok na. "E ikaw, 29 ka na ah. Wala ka pa bang balak magkapamilya?" She asked him. "Hindi naman madali maghanap ng mapapangasawa eh." "Baka sa sobrang dami wala kang mapili," napangiti ito sa sinabi niya. "Wala akong girlfriend ngayon." "Ilang araw na?" She asked. Natawa ito ng malakas sa sinabi niya. "Tingin mo days lang ako na nagiging single?" "Well, yeah," natawa ito lalo. Tinignan ni Cassandra si Gelo , napangiti siya ng makitang tulog na ito. Hinalikan niya ito sa ulo at niyakap ng mahigpit. Humikab siya at nakaramdam ng antok.. "Sleepy," ngiti lang ang sinagot ni Cassandra. "Sorry nga pala ah," He said. "For what?" "For been calling you everyday to ask you about the layout design." Ngumiti siya. "It's okay, sanay ako sa mga makukulit," natawa ito sa sinabi niya at napahaplos sa ulo.Mga ilang sandaling katahimikan sa pagitan nilang dalawala. Pagtingin niya kay Cassandra nakapikit na rin ito. Napangiti na lang siya. Hanggang sa marating nila ang resthouse. Bumaba si Iñigo at pumunta sa passenger seat at pinagbuksan sila Cassandra. Tulog pa rin ito. Yumukod siya dito para sana gisingin ang dalaga. Pero hindi niya agad na gawang gisingin ito nang mapagmasdan ang magandang mukha nito. Parang may sariling isip ang kamay niyang kusang umangat at marahang hinaplos ang pisngi nito gamit ang daliri niya. Halos pasadahan ng mata niya ang bawat parte ng mukha nito--ang mata, ang ilong nitong perpekto ang pagkakalilok, hanggang sa bumababa ang tingin niya sa natural na mapupulang labi nito na animo'y ng hihimok na dampian ng isang halik."God! She's so beautiful," usal niya. Bigla niyang binababa ang kamay niya at nailing sa sariling ginawa. Shit! What am I thinking?"Andra, wake up, we're here." Umungol ito at unti-unting dumilat. "We're here." He says"God! I'm sorry, nakatulog ako. Nakakahiya naman sayo." Apologitic niyang sabi."Akin na si Gelo," Kinuha niya si Gelo. Tsaka lumabas si Andra. "Wow! Ang ganda ng place mo. I love it!" Sabi naman ni Preyh na kakababa lang ng kotse. Binaba din ng yaya ang mga gamit nila. "Sir Iñigo, kumusta po, ma'am Cassandra." Sinalubong sila ng mag asawang caretaker. "Hello po, Nana Caring, Tata Bernardo." Bati ni Cassandra at Iñigo, pinakilala din ito kila kay Preyh."Halika pasok tayo." Aya ni Iñigo. "Akin na si Gelo Iñigo.""No it's okay, ako na." Pumasok silang lahat sa resthouse. Hiniga muna ni Iñigo si Gelo sa sofa, habang inaayos ni Cassandra ang unan."Aaa! You look like a happy family." Napatingin sila kay Preyh. Natawa lang si Iñigo dito."Naku Iñigo, pasensya ka na kay preyh. Alam mo kasi yan nung bata pa yan kinumbulsyon yan sa sobrang taas ng lagnat. Kaya hanggang ngayon yung pagdedeliryo hindi na nawala, kung ano-ano sinasabi. Kaya kailangan niyan ng batok paminsan-minsan eh." Humagik-hik lang si Preyh, natawa lang din si Iñigo. "Mommy" Nagising at agad na bumangon si Gelo at tumingin agad sa paligid. "Asan horse?""Ahaha! Naku naman talaga oh. Baby, wala pa ang horse eh. Gusto mo si Ninang Preyh muna ang horse."Nakatayo lang si Iñigo at Cassandra at si Preyh sa likod ng sofa nakatayo."Hay tigilan mo ako Andra ah. No'ng iniwan mo yan sakin. Ginawa akong kabayo niyan maghapon magdamag." Angal ni Preyh"Ahahaha! Mukha ka daw kasing kabayo.""Gusto ko horse, sabi mo sakay tayo horse eh." Pangungulit ni Gelo."Patay ka Andra, pinangakuan mo kasi eh. Dalhin mo na picnic grove."-Preyh"Hindi kasi ako baby marunong mag horseback riding. Pag dating nalang ni Papa Aiken ah." "Pambihira ka, ang lakas ng loob ayain ang anak na mangabayo hindi naman pala marunong."-Preyh"Tara Andra, ako nalang sasama sainyo."Iñigo says"Aaaa! You're such a good father talaga Iñigo." "Preyh! Mahiya ka nga. Bakit tatay mo si Iñigo?" Natawa lang ng malakas si Iñigo sa sinabi ni Cassandra. "Gelo, gusto mo mag horseback riding with daddy Iñigo.. Aaww!" Malakas na hampas ng unan ang natanggap niya kay Cassandra at sa mukha ito tinamaan."Ang brutal talaga ng babeng to." Umingos lang ito."Mommy that's bad." Gelo says. Umupo si Cassandra sa tabi ni Gelo."I know baby, sorry. But Ninang Preyh would love that, so that's okay with her. Right ninang Preyh?" Sabay tingin kay Preyh. Inirapan lang siya nito."Let's go mommy! horse!" Tumayo si Gelo at hinila si Cassandra sa kamay."Gelo" "Halika ka Gelo." Binuhat ito ni Iñigo."Let's go Andra. Pagbigyan mo na si Gelo. Sasamahan ko na kayo." Ngumiti at tumayo nalang si Cassandra. Ngiting-ngiti naman si Preyh."Ma'am sasama pa po ako?" Tanong ng yaya."Ay hindi yaya! Ako nalang alagaan mo dito." Sabi naman ni Preyh. Natawa na talaga si Cassandra. "Siraulo ka talaga. Halika na nga." Aya ni Cassandra at umalis na sila."Enjoy!" Pahabol ni Preyh sa palabas na tatlo.****Narating nila ang picnic grove, tuwang-tuwa si Gelo na naghihiyaw pa. Gusto nitong sumakay agad. Isinakay ito ni Iñigo at sumakay din ito. Ayaw naman kasi ni Andra, dahil natatakot siya na silang dalawa lang. "Iñigo, baka malaglag ang anak ko ah. Naku! Bakit ba kasi nasabi-sabi ko pa ang horseback riding," Nag-aalalang sabi ni Cassandra. "Don't worry, Andra, ako bahala," Masayang-masaya si Gelo ng mag-simulang mag-lakad ang kabayo. Kinukuhan ni Cassandra ng mga larawan ang dalawa gamit ang cellphone. Bumalik ang kabayo sa malapit sa kanya. "Mommy, sakay ka, please please please, Mommy," pangungulit ni Gelo. "Hindi pwede, baby, kayo na lang, hindi tayo kasya." "Ma'am pwede po kayong tatlo diyan," sagot ng nag-aasist na lalaki. "Naku! Hindi po, 'wag na," tanggi niya. "Mommy, please, please! Look at them, three sila oh," napapangiti na lang si Iñigo sa pangungulit ni Gelo. "Mommyyy!" "Gelo stop it!" pigil na pigil na saway ni Cassandra dahil sa pagsigaw nito. "C'mon Andra, pag-bigyan mo na ang anak mo. Gusto mo baba na lang ako, kayo muna," suhesyon ni Iñigo. "Ay hindi ayoko, mahulog pa kaming dalawa," tanggi niya. "'Di sumakay ka na lang. Tatlo tayo," si Gelo naman ay ayaw tumigil sa kaka-mommy. "Gelo, kawawa ang horse, sa tito Iñigo pa lang kawawa na siya oh. Tignan mo ang laki-laki niya," natawa si Iñigo. Yumuko ito at bumulong sa bata at maya-maya lang ay tumingin sa kanya si Gelo. "Mommy, horse is strong enough to bear us. Let's go mommy," tumawa ng malakas si Iñigo sa sinabi ni Gelo, panigurado siyang 'yon ang ibinulong nito sa anak niya, kaya napailing na lang siya. "C'mon mommy, join us, don't be scared," pangloloko sa kanya ni Iñigo na sinamahan pa ng tawa. Si Gelo naman lalong nilakasan ang pagsigaw."Pambihira naman talaga! Oo na, stop shouting Gelo"Yehey!" Bumaba muna si Iñigo at pinasakay muna si Andra, inalalayan niya ito."Oh oh oh Iñigo!!" Napakapit si Cassandra sa kamay nito ng biglang gumalaw ang kabayo. "Just relax, Andra." Sumakay na rin si Iñigo at siya ang humawak sa tali."Oh my goddd!" Napapatili si Cassandra ng magsimulang maglakad ang kabayo. Hindi niya alam kung saan siya hahawak, dahil hinahawakan niya rin si Gelo. Napasandal nalang siya sa dibdib ni iñigo na lihim naman nitong ikinangiti."Bakit ang duwag mo? Takot ka talaga sa lahat?" Muli siyang napasinghap sa pagsalita ni Iñigo dahil ramdam niya ang init ng hininga nito sa tenga niya. "Hindi naman lahat, scary naman talaga ang pagsakay sa kabayo at ang kidlat nakakamatay yun." Umikot sila hanggang sa may lumapit sa kanila na isang photographer. "Ma'am, sir, family picture po." "Sige ho" Mabilis na sagot ni Iñigo. Ngumiti nalang si Andra ng kunan sila ng photographer. Instantly, they got the photo dahil polaroid cam. Naman ang gamit nito. Nagbayad lang si Iñigo dito."Akin nalang to ah." Agad na nilagay ni Iñigo sa wallet ang picture nila. Mga ilang sandali pa silang nag-horseback-riding, hanggang sa pumayag na si Gelong bumaba. Bumaba muna si Iñigo at binaba nito si Gelo. Inalalayan si Andra ni Iñigo'ng bumababa. Hinawakan nito ang baywang niya habang siya sa balikat nito. Nagdikit ang katawan at nagtama ang mata nila na sobra na naman niyang ikinailang kaya agad siyang bumitaw dito.Nagpunta sila sa isang restaurant at kumain lang at nag decide ng bumalik ng resthouse. Sumakay sila ng kotse at agad na pinaandar ni Iñigo. "Iñigo salamat ah, tsaka pasensya na nadamay ka pa sa kakulitan ni Gelo.""It's okay, I've enjoyed it, Promise." Ngumiti nalang si Andra dito. "Anyway bukas na namin sisimulan ang remodeling ng resthouse, pupunta yun si Aiken dala ang mga gamit at pati na rin ang mga workers." "Okay, pupunta-punta nalang ako dito pag hindi ako busy." Narating nila ang resthouse at mabilis na tumakbo si Gelo papasok ng resthouse. *** NAKITA ni Iñigo si Preyh at Cassandra sa living room na mukhang nagkakape. "Hi," bati niya sa dalawa. "Hi, Iñigo," bati ni Preyh. Umupo siya sa tabi ni Cassandra. "Tulog na ba si Gelo?" tanong ni Iñigo. "Oo tulog na, kaya walang mang-iistorbo sa inyo.... ibig kong sabihin sa 'tin. hehe!" Sinamaan agad ito ng tingin ni Cassandra. Pagkwa'y bigla na lang itong humikab. "I'm going to bed na," ani Preyh at tumayo. "Kwentuhan mo muna si Andra, Iñigo, hindi kasi 'yan mabilis makatulog. Goodnight." Ngumiti lang ito at mabilis na umalis. Napangiti na lang si Iñigo dahil alam niyang umaarte lang si Preyh. "Puro kalokohan talaga 'to si Preyh," ani Andra. Biglang naman ang pag-ring ng cellphone nito at agad nitong sinagot. "Hello, Aiken," masiglang wika nito. Sandali itong nakipag-usap kay Aiken at nag-paalam din agad. Sa tantiya niya ay nangungumusta ang lalaki. "Sobrang close kayo ni Aiken. Matagal na ba kayong magkaibigan?" Iñigo asked. "Sobrang close, he's part of our lives. Kung ilang taon si Gelo, ganoon din katagal ang friendship namin. Kung wala siya, siguro wala na rin kami ni Gelo." Bigla ang pag-lungkot ng mukha nito. Pero ngumiti din at medyo natawa na parang may naalala. "Hay grabe! Pag-naaalala ko kung paano kami nagkakilala. Hindi ko maiwasang hindi matawa at malungkot. It was the saddest day of my life and happiest day as well." Nangunot ang noo ni Iñigo, sa sinabi nito at mukhang napansin ni Cassandra ang reaksyon niya dahil bigla itong tumawa. "Ang weird ko ba? Happiest and Saddest day at the same day." "Bakit nga ba?" he asked. "It was a long story." "I'm willing to listen, hindi ka pa naman siguro antok. Kung gusto mo lang i-share sa 'kin," ngumiti si Cassandra. "Okay. Siya ka kasi ang nagpaanak sa akin," nakangiting wika nito. "Really? Is he a doctor?" "No no, ganito kasi 'yon. When my dad found out that I'm pregnant without a man. Ayon, galit na galit sa 'kin, 'wag daw akong uuwi na wala akong madadalang ama ng pinagbubuntis ko. Wala naman akong maipakilala, kaya umalis ako ng bahay, bumalik ako noong kabuwanan ko na. Nagbaka sakaling baka napatawad niya na ako," bigla ang pagguhit ng lungkot sa magandang mukha nito. "Sadly, he's still mad at me."
Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com