RoTruyen.Com

Slept With A Stranger Wattys2015

Thanks readers.. sa mga nag add ng story na to sa mga reading list, sa mga silent readers, active readers. Thank you all!! Itong story ko na to ang mabenta. Infairness, nagulat talaga ako reads nito.

______________________________

Flashback:

"Andra, diyos ko kumusta ka?"

"Yaya!" Umiyak agad si Andra at nagyakap ang dalawa.

"Si mommy at daddy nandiyan ba?"

"Nandito, halika pasok ka, tatawagin ko ang mommy mo." Giniya siya ng yaya niya papasok sa kabahayan ng magulang niya. Pag pasok palang niya may agad naman siyang narinig na tumawag sa kanya.

"Andra!" Lumingon siya sa hagdan, pababa ang mommy niya at bakas sa mukha nito ang gulat at pananabik ng makita siya.

"Mommy" Hindi pa man agad ng nag-tubig ang mga mata niya. Mabilis na bumaba ang mommy niya para lapitan siya at mahigpit siyang niyakap.

"Baby ko!" Umiyak ang mommy niya at ganun din siya. Kumalas ito ng yakap at tinignan ang malaking-malaki niyang tiyan.

"Diyos ko, ang laki laki na ng tiyan mo. Kumusta ka anak?" Hinawakan ng mommy niya ang tiyan niya at marahang hinaplos ito.

"Okay naman po ako mommy. Si daddy po?" Bigla itong nag-alangan sa tanong niya.

"He's still mad." Wika niya, sa reaksyong pa lang mommy niya alam na niyang galit pa nga ang daddy niya sa kanya.

"Selina!" Tumingin ang mag-ina sa may hagdan ng marinig ang matigas at malamig na boses ng isang lalaki. Nakatayo ang daddy niya sa kalagitnaan ng hagdan, seryoso ang mukha nito at tiim ang bagang.

"Dad" Halos walang boses na usal niya. Bumaba ang daddy niya at lumapit sa kanila. Tinignan nito ang malaki niyang tiyan.

"Louie, si Andra oh, ang anak natin." Mangiyak-ngiyak na sabi ng mommy niya.

"Where's the father of your child?" Malamig ang boses ng daddy niya. Yumuko si Andra at dahan-dahang umiling.

"Then why are you here?" Malamig parin ang boses nito at lalong tumigas. Mahihimigan sa boses nito ang galit.

"Dad!" Hindi niya mapigilang hindi maiyak. Tumulo bigla ang luha niya.

"Louie, hayaan mo ng bumalik ang anak mo dito."

"Yaya Bising, samahan mo siyang lumabas at i-lock ang pinto." Ma-autoridad ang boses nito.

"Louie!" Wika ng mommy niya na punog-puno ng pakiusap ang boses nito. Tumalikod ang daddy niya at umalis. Pagdating sa may hagdan lumingon uli ito.

"SELINA! GUSTO MO BANG SUMAMA SA SUWAIL NA YAN?" Umalingaw-ngaw ang boses ng daddy niya sa buong mansion nila. Umiyak na ng tuluyan si Cassandra.

"Andra baby! I'm sorry." Niyakap siya ng mommy niya. Umiyak lang din si Andra pati ang yaya niya ay naiyak na rin.

"SELINA!" Malakas na sigaw uli ng daddy niya. Nagmamadaling sumunod ang mommy niya sa daddy niya.

Umalis na lang si Cassandra at hinatid siya ng yaya niya sa may gate.

"Bye yaya! Bali-balitaan mo na lang po ako ah."

"Andra, mag iingat ka lagi ah. Hayaan mo, lalambot din ang puso ng daddy mo. Lalo na pag nakita na niya ang apo niya." Nagyakap ang mag yaya at umalis na si Cassandra. 

Naglakad siya hanggang sa labas ng subdivision. Tulo ng tulo ang luha niya habang naglalakad, dahil sa halong-halong emosyonng nararamdaman niya. 

Pakiramdam niya ngayon ay talagang mag-isa na lang siya, at nawawalan na rin siya ng pag-asa na matanggap ng daddy niya.

Medyo nakalayo na siya sa subdivision ng biglang bumuhos ang ulan. Naghanap siya ng masasakyang taxi pero wala man lang dumadaan.

Nasa gilid siya ng kalsada at may nakita siyang masisilungan bandang unahan. Naglakad siya para sumilong ng biglang sumakit ang tyan niya.

"Aahh! Diyos ko, baby not now please,  not now." Sinubukan niyang  maglakad, pero lalong sumasakit ang tiyan niya sa tuwing naglalakad siya. 

Sa layo kasi ng nilakad niya mula pa kanina, masyadong  natagtag ang tiyan niya. Nag lakad na lang siya at huminto sa may puno na nasa gilid ng daan. 

Napahawak na lang siya sa puno ng maramdaman niya ang lalong pag-sakit ng tiyan niya. Lalo naman lumakas ang ulan.

"Aaahh! Oh my god! Anong gagawin ko diyos ko?!" Basang -basa na siya. Napaupo na lang siya sa sobrang sakit.

"Oh lord please help me! Aaah!" Napapangiwi siya sa sakit. Naramdaman nalang niya parang may bumulwak na likido sa passage way niya.

Napasigaw siya ng malakas ng maramdaman niyang parang lalabas na ang bata. Bigla naman may humintong sasakyan sa tapat niya. May lumabas na lalaki mula sa sasakyan at lumapit sa kanya.

"Miss, misis okay ka lang ba?" Tarantang-taranta ang lalaki na nagpakabasa na rin.

"Help! Aaaahh!" Napasigaw na naman siya ng malakas.

"Anong gagawin ko? Halika dadalhin kita sa ospital."

"Hindi ko na kaya! Lalabas na talaga!aaahh!" Tuwing hihilab ang tyan niya kasabay no'n kusang napapairi siya kaya mas ramdam niya ang ulo ng bata sa pwerta niya.

"Sandali pigilan mo! Bubuhatin kita sa kotse."

"Nooo! Ayan na! Lalabas na. Tulungan mo ako." Napasandal siya sa puno at medyo pahiga ang katawan niya.

"Anong gagawin ko?!" Tarantang-taranta naman ang lalaki na hindi alam gagawin.

"Take my panties off. Aaahh!"

"Ano? Sandali, pa'no?!"

"Oh my god! Hindi ka ba marunong maghubad ng panty..aahhh!" Malakas na naman niyang sigaw. Tarantang-taranta naman ang lalaki.

"Okay. wait!" Mabilis na umalis ang lalaki at pumunta ng kotse at pagbalik may dala na itong payong at jacket.

"Okay tatanggalin ko na ang underwe-"

"Bilisan mo naaaa!" Sigaw ni Cassandra

"Oo na." Pinaling nito ang ulo sa ibang direksyon at dahan-dahan nitong tinanggal ang underwear niya.

"Ayan naalis ko na."

"Abangan mo ang baby. Oh my god! aaaahh!" Nilagay nito ang jacket sa lalabasan ng baby pero hindi ito tumitingin dito. Inayos pa nito ang daster niya at binuksan ang payong.

Kumuha ito ng cellphone at tumawag ng ambulance.

"Okay misis, kaya mo pa ba? Lalabas na ba talaga ang baby?" Alalang tanong nito.

"Aaaaahh!" Malakas na sigaw ni Andra ang humahalo sa patak ng ulan. Narinig ni Andra ang iyak ng baby kasabay no'n ang pagkawala ng malay niya.

End flash back:

*

"Yun, nagising ako sa ospital na ako at si Aiken ang una kong nakita. After that, hindi na siya nawala sa buhay namin ni Gelo."

"Wow! Grabe yun ah." Hindi makapaniwalang sabi ni Iñigo.

"Yeah, grabeng experience talaga yun. Isipin mo kung hindi niya ako nakita at nanganak ako do'n. Ewan ko lang kung anong nangyari samin."

"Kaya pala Raine, hindi lang basta umuulan, sa ulan ka talaga nanganak." Tumango-tango si Cassandra.

"That's why saddest day in my life dahil galit na galit parin ang daddy ko, but it turns into a happiest day because  Gelo came and Aiken as well." She says with a smile.

"Ikaw naman, anong kwento ng buhay mo aside from being most eligible bachelor in town." Tumawa ng mahina si Iñigo sa sinabi niyang iyon.

"Not that much interesting  as yours."

"Anything,  why are you still single? why didn't you pursue your dream? Anything." She runs her hand through her hairs and smile sweetly as she's staring at him. Napatitig naman si Inigo sa kanya at napangiti.

"Like I've said before, tadhana ko na to. Mag isa lang akong anak, walang ibang aasahan, kaya sinunod ko nalang si dad sa gusto niya." Tumango-tango si Cassandra.

"You're such a good son. Ako hindi, kaya galit na galit si dad sakin. Well, marami naman talaga akong kasalanan kasi, I'm a big disappointment to them. Isang suwail na anak, ispin mo, ang alam nila I'm taking up business administration. Tapos malalaman nalang nila malapit na akong grumuadate as an interior designer."

"Really? Wow! Matigas nga ulo mo." Natatawang sabi ni Iñigo.

"Ahahaha! Yeah, matigas ulo ko, kaya nagkagulo-gulo ang buhay ko pati ng ibang tao sa paligid ko." Sumandal siya sa sofa.

"Eh diba my request ang mommy mo sayo, isang apo. You're in a right age now, bakit hindi ka pa magasawa?"

"Wala eh, wala pang babaeng magustuhan." Napangisi si Cassandra

"In 29 years on this earth, wala kang nagustuhan? That's impossible.. or maybe ginagawa mo lang pastime ang girls."

"Before yes, I admit, girls are just like a tissue paper to me, throwing it after using it." Napaawang ang bibig ni Cassandra at pinasadahan ng tingin si Iñigo. 

"You're bad!" Natawa  si Iñigo sa reaksyon niya.

"I know, but I've changed,  I've been in a serious relationship for almost 3 years."

"What happened?" Nagkibit balikat lang ito.

"Didn't work" he replied after shrugging his shoulder.

"Siya yung may ari ng damit na sinuot ko?" Tumango-tango si Iñigo.

"How about you? Anong nangyari sainyo ng daddy ni Gelo? Bakit kayo iniwan?" Ngumiti lang si Cassandra, nagkibit balikat at umiling-iling. Gets naman ni Iñigo na mukhang ayaw nitong pagusapan.

"Ang galing mo, you raised your son on your own."

"Yeah, kahit ako hindi ako makapaniwalang kakayanin ko. Gusto ko na ngang tumalon sa tulay n'on eh. Salamat sa mga kaibigan ko, sila ang tumulong sakin." Tumayo si Cassandra.

"Hindi kana ba bumalik sa parents mo?" He asks

"Hindi na, hindi parin ako  napapatawad ni dad."

Tumatawag naman siya sa yaya niya para mangumusta. Minsan ang mommy niya pero hindi sila nito nagkikita, dahil masyado itong takot sa daddy niya. Pero minsan sinisilip niya ang mga ito sa malayo.

"Sige na Iñigo, late na, nakwento ko na ang talata ng buhay ko sayo. Ang daya mo, pagiging play boy mo lang ang sinabi mo sakin." Natawa ng malakas si Iñigo sa sinabi niya.



****

Office:

Nakaupo si Iñigo sa sofa ng office niya.

"Hi Mr. Coo." Tumayo agad ito pag kakita kay Reghie at Matthew. 

"Hi, redge." Humalik ito sa pisngi ni Reghie at umupo uli. Umupo din si Reghie sa katapat na sofa katabi ni Matthew.

"Kumusta sila Andra?" Tanong ni Reghie.

"Okay naman sila."

"Balita ko, nag horseback riding kayo. Preyh told me." -Reghie

"Yeah,  nangulit si Gelo, kaya sinamahan ko sila." Kinuha nito ang wallet mula sa bulsa at kinuha ang picture.

"Ito oh" Inabot niya kay Reghie.

"Ooh! This is so cute. " kinuha naman ni Matthew ang picture at tinignan.

"Woah! Nice family picture huh! Bagay ka palang maging daddy ni Gelo dude." Napangiti lang si iñigo.

"Akin na nga!" Kinuha niya uli ang picture.

"Sinamahan ko lang sila, kasi nangungulit si Gelo, takot naman pala si Andra sumakay sa kabayo." Napangiti si Iñigo.

"Takot ba talaga yun sa lahat? Kahit sa kidlat takot eh." Iñigo says.

"Takot talaga yun sa lightning and thunderstorms medyo okay okay na nga ngayon eh, mas malala dati, kung titignan mo ang reaksyon niya ang o.a. kung hindi mo alam na may na may phobia siya dun." Paliwanag ni Reghie.

"May phobia siya sa kidlat?" Iñigo asks.

"Yeah, she had bad experience when she was 9... her brother died, dahil tinamaan ng kidlat sa harap niya mismo."

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Iñigo. Tumango-tango si Reghie.

"Kaya pala, gano'n siya katakot."

"Yeah, namatay ang kapatid niya at hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Siya daw kasi ang nangulit at nagaaya sa kapatid niya kahit pinagbawalan na siya ng daddy niyang lumabas at maligo sa ulan because of lightning, ayun, matigas ang ulo niya.  Kaya nangyari ang hindi dapat nangyari kung sumunod lang daw siya." Mahabang paliwanag ni Reghie..

"Well, that's Andra's life. Masyadong madrama, ewan ko ba sa babaeng yun, parang nakadikit ata sakanya ang kamalasan. Pero at least ngayong medyo okay na, wala pa naman kamalasan na dumadating uli sakanya. Ahaha!" Natatawang sabi ni Reghie.

"Anyway Iñigo, I heard Martina will go back home. Very soon." Reghie says

"Really?" Si Matthew ang nagreact sa sinabi ni Reghie.

"I heard from  one of her interview. May gagawin atang project dito sa Pilipinas. Grabe! Sikat na sikat siya sa New York."

"Good for her." Yun lang ang sinabi ni Iñigo.

"Dude, si David uuwi daw." Pagbabalita naman ni Matthew.

"Really? It's been 4 years ng umalis yun ah. Bakit naisipan na kayang umuwi?" Iñigo says. nagkibit balikat lang si Matthew.

*****

Resthouse:

"Sir Iñigo"Bati ni Nana Caring

"Asan sila Andra Nana Caring?" Tanong ni Iñigo pagpasok ng resthouse.

"Nags'swimming."

"Ganun ba, sige po salamat." Agad na tumalima si Iñigo at nagpunta sa may pool area.

Napahinto siya ng makita sila Cassandra na naliligo, kasama si Gelo at Aiken. Naka-black swimwear ito.

Pasan-pasan ni Aiken si Gelo sa balikat,  habang sinasabuyan ni Cassandra ng tubig ang dalawa.

"Mommyyy! Ayaw na, ayaw na." Sigaw ng sigaw si Gelo. Pero ayaw itong tigilan ni Cassandra sa pagsaboy ng tubig.

Dinala ni Aiken si Gelo sa gilid ng pool at binaba.

"Stay here Gelo ah! Makulit si mommy eh." Iniwan ni Aiken si Gelo at hinarap si Cassandra. 

"Lagot ka ngayon sakin."

"Aaahhh!" Sigaw ni Cassandra at tatakbo sana palayo pero binuhat ito ni Aiken na pangkasal na buhat. 

"Ano Gelo, anong gusto mong gawin natin kay mommy?"

"Aiken stop it! Ibaba mo ako." Tawa lang ng tawa si Gelo.

"Itatapon natin si Mommy sa malalim?"

"No Gelo, I'll die! Help." Sigaw ni Cassandra pero tawa ng tawa.

"Papa Aiken no, mommy will die."

"Yes baby, call some help. Ahaha!" Tawa ng tawa si Aiken at Cassandra pero si Gelo hindi na tumatawa na parang natatakot.

"Tito Iñigo help mommy!" Sigaw nito kaya yung dalawa napatingin sa may gawi ni Iñigo dahil tumakbo din si Gelo kay Iñigo. Binuhat agad ito ni Iñigo.

"Tito Iñigo help mommy." Sabay turo ni Gelo kila Cassandra. Binaba na ni Aiken si Cassandra. Lumapit si Iñigo sa gilid ng pool.

"Hi iñigo, nandiyan ka pala." Sabi ni Cassandra at pumunta na sa gilid ng pool para umahon.

Pagkaahon nito, lumapit kay Iñigo at Gelo.

"Gelo come! Binasa mo na si Tito Iñigo oh. Come here na." Pero hindi lumapit si Gelo, yumakap ito kay iñigo.

Titig na titig lang si Iñigo kay Cassandra. Naka two piece lang ito at hindi niya alam pero naiilang siya na nasa harap niya ito.

"It's okay Andra, hayaan mo lang siya." Umupo nalang ang dalawa sa upuan.

Umupo din si Cassandra sa tapat ng dalawa at kinuha ang bathrobe na nakasampay sa upuan at pinatong sa hita niya.

"Nandito pala si Aiken." Sabi ni Iñigo,  tumingin si Cassandra kay Akien na nags' swimming padin.

"Oo, kanina lang siya dumating. Okay lang ba kung dito siya mag stay ngayong gabi?" Sunday kasi ngayon, pumupunta lang si Aiken pag may trabaho sila.

"Sure"

"Thanks, sa kwarto nalang namin siya."

"Hindi, may ibang guest room naman. Do'n nalang siya."Agad na sagot ni Iñigo.

"Okay" She says and smiled.

"Mommy, I'm hungry."

"Are you hungry? You want cereal?" She asks

"I want spaghetti."

"Spaghetti! Walang spaghetti baby, I don't know how to cook spaghetti."

"You want spaghetti Gelo?" Iñigo asks.

"Yes tito Iñigo." Masiglang sagot nito.

"I'll cook spaghetti for you."

"Yehey!" Hinawakan ni Gelo ang magkabilang pisngi ni Iñigo at hinalikan ng hinalikan ang buo niyang mukha. Tawa naman ng tawa si Iñigo.

"Iñigo hindi mo kailangan magluto."

"It's okay Andra, I love cooking remember? Matagal-tagal na akong hindi nagluluto. Ikaw ba may gusto kang kainin? Name it and I'll cook it for you." Napangiti si Cassandra.

"Marunong ka talaga?" Diskumpyado parin siya.Tumingin si Iñigo kay Gelo.

"Wala palang tiwala sakin si mommy eh. Halika Gelo at papakitaan ko si Mommy kung gaano kagaling si Tito Iñigo magluto." Sabay tayo nito at buhat parin si Gelo. Tumayo din si Cassandra at sinuot ang bathrobe.

"Halika Gelo, let's take a shower first." Aya ni Andra dito. Pero inunahan na siya ni Aiken sa pagbuhat kay Gelo.  Ito na ang kumuha sa bata na nakaahon na pala.

"Sabay na tayo shower Gelo... let's go mommy sabay na tayo." Sabay akbay ni Aiken kay Andra. Hinila na ito papasok. Napamaang naman si Iñigo sa sinabi ni Aiken.

***

Busy sa pagluluto si Iñigo..

"Need help?" Lumingon si Iñigo.

"Hi, tapos na. Si Gelo?" Iñigo asks

"Pababa na yun, binibihasan lang ni Aiken."

"Um. Sabay kayong tatlo naligo?" Tanong ni Iñigo. Habang nilalagay  sa plate ang spaghetti noodles.

"Huh?"

"Um. Natanong ko lang, sabi kasi ni Aiken kanina." Sabi ni Iñigo.

"Hindi, ako nauna. Naglaro muna yung dalawa sa bathtub." Tumango-tango si Iñigo at dinala ang plate na may spaghetti sa dining, kinuha naman ni Cassandra ang dalawang plate at sumunod sa labas.

"Yehey! Spaghetti." Tuwang-tuwa si Gelo habang karga ni Aiken na kakababa lang. Kasunod nito ang yaya.

Kinuha ni Cassandra si Gelo at pinaupo, umupo din siya sa tabi nito.

"Say thank you to tito Iñigo."Utos ni Andra dito.

"Thank you tito Iñigo."

"You're welcome Gelo." Umupo din si Iñigo, pati ang yaya at si Aiken.

Nasa gitna si Gelo ni Cassandra at Aiken. Nasa dulo naman si Iñigo at katapat nila ang yaya. Sinubuan ni Cassandra si Gelo at sumubo din siya.

"Hmm. Sarap ah, talagang marunong ka nga. The best!" Napangiti lang si Iñigo. 

"Bagay talaga kayo ni Sir Iñigo, ma'am Cassandra." Napatingin ang lahat sa Yaya.

"Hehe! Kasi ang galing niyang magluto, ikaw hindi. May magluluto na para sayo." Natawa lang si Iñigo dito.

"Naku! Nahawa kana talaga kay Preyh. Hindi pala ako marunong magluto ah. Eh bakit mo kinakain ang luto ko?" Tanong niya dito.

"Laman tiyan din kasi yun. Wala namang choice." Nagtawan nalang ang lahat dito.

"Naku talaga yaya oh."Kumain sila at natapos. Naubos ni Gelo ang pagkain niya.

****

Nasa kwarto si Iñigo at Gelo naglalaro. Nakahiga si Iñigo at  sinisiso niya si Gelo sa paa niya. Tawa naman ng tawa si Gelo.

May biglang kumatok sa pinto. 

"Pasok!" Sigaw ni Iñigo at bumukas ang pinto. 

"Andra"

"Kukunin ko si Gelo, mukhang nakakaistorbo na sayo masyado." Pumasok si Cassandra at lumapit sa dalawa. Tumigil sa pagsiso si Iñigo.

"Hindi naman, nag eenjoy nga ako eh." Ngumiti si Cassandra.

"Mahilig ka ba sa bata?" Tanong niya

"Honestly, ngayon lang ako nakipag laro sa bata. Wala naman akong pamangkin. Masaya din pala."

"Tito Iñigo, one more please." Pangungulit ni Gelo.

"Okay"

"No Gelo, tama na. Halika na." Kinuha ni Cassandra si Gelo pero tumakbo ito sa kabilang side ng kama.

Tinukod ni Cassandra ang isang tuhod sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Iñigo. Kinuha niya si Gelo sa kabilang side ni Iñigo pero nagpumiglas ito palayo sakanya.

"Ayaw mommy! I want to play."

"Gelo ano ba malalaglag ka." Hindi niya ito mabitawan dahil pagbinitawan niya ito siguradong laglag to sa kabilang gilid ng kama.

Tatayo sana si Iñigo pero bigla siyang nahiga uli ng sumubsob si Cassandra sa ibabaw niya.

Nagkatinginan ang dalawa. Tatayo sana si Cassandra pero bigla nalang siyang dinaganan ni Gelo kaya nasubsob ang mukha niya sa gilid ng leeg ni Iñigo.

"Gelo! Get off me. Malalaglag ka." Pasigaw ni Cassandra dahil nasa likod niya ito. Pahiga pa itong dumagaan.

"Iñigo pakihawakan mo si Gelo baka malaglag."

"Ahahaha! Nahahawakan ko. don't wory." Natatawa si Iñigo sa itsura nila dahil magkakapatong silang tatlo, nakayakap si Iñigo sa dalawa dahil siguradong babagsak si Gelo sa baba pag hindi nakawakan.

"GELO! GALIT NA AKO!" Sigaw ni Cassandra. Malakas na tawa naman ang kumawala kay Iñigo.

"Iñigo pakialis nga si Gelo. Pambihirang batang to."

"Hindi ko maaalis Andra. Hayaan mo muna siya, hindi kaba komportable? Mukhang okay naman ang ganitong posisyon eh. Ahaha!" Sabi ni Iñigo sabay tawa ng malakas.

"Hindi komportable Iñigo. Utang na loob, pag may nakakita satin sa ganitong posisyon nakakahiya."

"Gelo alis na baby please. It hurts na baby.. huhuhu!" Lalong tumawa ng malakas si Iñigo sa kunyaring pag iyak niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com