The Hunk Society 3 Tricked Published Under Lib Bare
NANGHIRAM si Miguel ng sasakyan kay Jacko para sundan si Audrey. Dumeretso na siya sa isla sa pag-aakalang doon na ang tuloy ni Audrey pero wala sa resthouse ang dalaga.
Ngayon ay bwesit na bwesit si East kay Miguel. Kung sana lang daw ay nakinig siya sa suhesyon nito, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Ang nais ni East ay huwag na siyang bumalik nang ihatid niya si Cassy. Hayaan na lang nilang itago ang totoong kaugnayan niya kay Daniel. Ibabalik ni East si Audrey sa Russia hanggang sa mabura na lang siya sa history. Pero hindi niya kaya. Mas gugustuhin niyang sumugal. Hindi niya sigurado kung may pagmamahal ba sa kanya si Audrey. Kung mapapatawad ba siya nito pagkatapos niyang sabibin ang lahat pero gusto niyang itaya ang lahat ng barahang meron siya. He feels like he's slowly loosing her and that scares the hell out of him. Binalak niyang ipagtapat ang lahat sa dalaga pero nababahag ang buntot niya. Kanina pilit niyang pinapalakas ang loob niya pero sa tuwing magtatanong si Audrey kung ano ba ang gusto niyang sabihin ay nawawalan siya ng lakas ng loob. Natatakot siya! At ito na nga! Nangyari na ang kinatatakutan niya. Galit na galit sa kanya si Audrey. Handa siya sa galit nito pero ang hindi niya napaghandaan ay ang matinding sakit na nakita niya mukha ni Audrey. Hindi niya iyon inaasahan. Naka-focus siya sa galit ni Audrey at sa sarili niya; Kung paanong niyang sasabihin sa dalaga na hindi ito magagalit. Kung paanong dedepensahan ang sarili sa galit ni Audrey. Kung paano itong susuyuin para makuha ang kapatawaran nito, as the result, he forgot the possibility that she might get hurt. Audrey is not the Audrey he was used to seeing; tough and can handle difficult situation she was in. The Audrey he had seen earlier is vulnerable. Iyong lungkot na nakita niya kanina sa dalaga at ang sakit ay hindi niya inaasahan. He wanted to hold her in his arms, say something that could undo the pain she felt in her heart. Pero alam niyang walang salitang kayang ibsan ang sakit na nararamdam ni Audrey na siya rin ang may dulot. "Fuck!" Nagmura si East nang tapusin ang pakikipag-usap sa telepono. "Ano ang sabi ni papa?" Tanong ni Gabbie na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa, sa katapat ni Miguel. "Nabalitaan na niya ang ginawa natin. Nagkalat ang mukha mo sa news at ginawa nating pangho-hostage kay Cassandra. Pinababalik na kayo ni Audrey ng Russia at pinapatapos na sa 'kin ang misyon." Nasa mga news nga ang nangyari sa pagtitipon. May mga video rin nang pangyayari na nagkalat sa social media. Mula sa pakikipaglaban ni Gabbie sa mga bodyguard ni mayor at ang pangho-hostage ni East kay Cassandra. Naka-bonet si East kaya 'di na namukhaan pa sa mga video. "Hindi nila ako mamumukhaan. Look at my face. Mukha bang ako ang blonde na 'yon?" Iba ang itsura ni Gabbie nang gabing iyon. Matured masyado ang itsura nito kumpara sa walang koloreteng mukha nito ngayon. "We need to do something. Bago tayo maging wanted, kailangan na nating maibigay ang blue book sa awtoridad. Kailangan maunahan natin si Jonas. Kailangan kong makausap si General Arnoco tungkol sa bagay na ito. Nangako sa kanya si Cassy na walang malalaman ang sino man tungkol kina Audrey. Hindi rin ito nagbigay ng statement sa mga pulis. Nagsinungaling si Cassy na wala itong nakilala na kahit isa sa nang-hostage. Inihatid lang niya si Cassy sa kabayanan at mula roon ay sinundo ito ni Iñigo. Hindi siya nagpakita sa lalaki. Hindi sinabi ni Cassy sa asawa nito ang tungkol sa kanya. Dumeretso rin siya ng Manila at kinuha nga ang singsing para sana maging parte ng pagtatapat niya kay Audrey ng totoo. Kaso kakahanap niya ng tiyempo mas lalong nagkandaletse-letse ang plano niya. "Hindi ko ngayon alam kung ano ang uunahin ko." Hinila ni East ang silya at naupo roon. "Ako na muna ang maghahanap kay Audrey. Gawin mo na muna ang dapat mong gawin," ani Gabbie."Babalik lang ako ng Bicol. Kailangan ko lang makuha ang pinapakuha ni Papa. Balitaan niyo ako kapag nakita niyo na si Audrey." Isang matalim na titig ang itinapon ni East kay Miguel."Mapapatay kita Montecillo kapag may nangyari kay Audrey dahil sa kapabayaan mo." "No need. Ako na ang gagawa sa sarili ko." He will fucking kill himself sa oras na may mangyari talaga kay Audrey. Alam niyang kayang-kaya ni Audrey ang sarili pero emosyonal ito masyado ngayon.Saan kaya posibleng magpunta si Audrey? BUMABA si Audrey ng taxi kahit napakalas ng ulan. Muli ay bumuhos na naman ang mga luha niyang kahit anong pigil ay walang patid sa pag-agos mula pa kanina. Kahit nasa eroplano siya pabalik ng Manila ay tahimik siyang lumuluha. Hindi niya matanggap ang mga nalaman. Miguel played with her. Ang tanga-tanga niya! Hindi siya bumalik sa resthouse. She went straight to the airport and bought a ticket there just 30 minutes before the flight. Thankfully, there are still available seats. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa puntod ni Daniel. Lalong naiyak si Audrey nang makita ang nakaukit na pangalan ng kasintahan sa itim na marmol na lapida. Naghahalo ang tubig at kanyang luha. Lumuhod si Audrey sa mismong tapat ng puntod ni Daniel. "Daniel!" Hinaplos niya iyon. "I'm sorry! Hinayaan ko ang kapatid mong agawin ako sa 'yo. I'm so sorry if I'm fell in love with him!" Tuluyang napagulhol si Audrey at dumapa. Nakapatong sa kanyang braso ang gilid ng kanyang mukha sa ibabaw ng lapida. "I need you, Daniel! I really need you now! Why did you leave me? Please, come back!" Hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap ang pagkawala ni Daniel at higit siyang nasasaktan ngayon dahil sa mga nangyayari. Pakiramdam niya wala siyang masasandalan sa mga oras na ito. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat."Bakit ganito? Bakit ang hirap-hirap maging masaya? Ikaw ang kaligayahan ko, Daniel, pero iniwan mo ako. Please tell God, kung totoo man siya, ibalik ka niya sa 'kin o kaya kunin na lang niya ako para magkasama na tayo... Ayaw ko na rito! Ayoko na..." Bakit ba siya pinapahirapan ng ganito ng Diyos? Kinuha na nito ang mga magulang niya. Namuhay siya sa mundong hindi niya gusto. Nang makilala niya si Daniel. Naramdaman niya ang sayang kailanman ay hindi niya naranasan. Nangarap siya, ginusto niyang umalis sa pagiging agent nang dahil kay Daniel pero pati ito ay kinuha sa kanya. At ngayon... hindi pa man siya lubos na nakakalaya sa sakit na dulot ng pagkamatay ni Daniel ay ito na naman, may panibago na naman. May Diyos ba talaga? Bakit sa dami ng taong masasama sa mundo bakit siya, na wala naman hinangad kundi ang katamikan lang sa buhay ang nais ang pinaparanas ng ganitong klaseng suliranin. She hates her life! Kung hindi lang dahil kay Toffee matagal na niyang sinukuan ang buhay niya. Ipinikit ni Audrey ang mata habang patuloy sa pagtangis habang nakadapa sa ibabaw ng puntod ni Daniel. Hindi alintana ang lamig mula sa malakas na ulan at hangin, sinamahan pa ng kulog at kidlat. She can't move. Her entire body felt numb. Hindi niya mawari kung dahil sa lamig na nanonoot sa mga buto niya o sadyang ayaw niya lang talagang ikilos ang kanyang katawan. Ang tanging gusto niya ay tuluyang mawalan ng pakiramdam. Mawala ang matinding sakit sa puso niya. Gusto niyang mawala sa isip niya si Miguel. Dahil sa tuwing naiisip niya ang lalaki ay doble ang sakit na nararamdaman niya. She can't love him.She doesn't want to love him.
He's a liar!
He tricked her!
He just used her as his sex object!
She hates him so much but she hates herself more dahil minahal niya si Miguel. She loves him so much, even though how hard she tried to not love him.It was all a tangled mess, wrapping around her heart. Ang dalawang palad ay nasa magkabilang tainga ng bata. Nanginginig ang katawan sa matinding takot habang hinihintay ang pagtama ng bala ng baril sa katawan nito. Pinatay ng lalaki ang batang kalaro nito at ang buntis na babae. Alam ng murang isip nito na siya na ang susunod na papaslangin ng lalaki. Siya na ang susunod na bubulagta kasama ng dalawang duguang katawan na nasa kanyang harapan. Pero ang inaasahan ng bata ay hindi nangyari nang may pumasok na isang lalaki na balot ng itim na tela ang buong ulo. Tanging mata lamang nito ang nakasilip sa maliliit na butas. Hinawakan nito ang braso ng lalaki at pinigilan sa tangkang pagpatay sa bata. Hindi niya maintindihan ang mga salitang sinasabi ng dalawa. Malabo. Basta nagtatalo ang mga ito. Hanggang sa sumuko ang isang gusto pumatay sa kanya, lumabas ang lalaki at naiwan ang isa. Tinitigan siya nito sa mga mata nang ilang sandali bago natuon ang pansin sa babaeng buntis.Humakbang ito palapit sa kanila. Tinihaya nito ang nakatagilid na katawan ng buntis. Hinaplos ang mukha. "Faye," usal ng lalaki. Nang muling bumaling sa kanya ang lalaki ay mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad ang mga mata."Please, don't kill me!" Takot na takot na pakiusap ng bata. "Don't kill me! Don't kill me!" Humahangos na nagising si Audrey mula sa bangungot. Relief flooded her as she she realised that she was just dreaming. Sinapo niya ang noo at mariing ipinikit ang mata. Her temples are pounding, begging for a painkiller. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang buong katawan. Nanghihina at nanglalamig siya pero ang singaw ng katawan niya ay napakainit. Masakit ang lalamunan niya, ang ulo at buong katawan. Nilalagnat siya. Marahil dahil sa pagpapaulan niya. However, the pillowy soft, thick duvet keeps her warm. Pero sandali... hindi niya matandaan na umalis siya o kumilos man lang mula sa pagkakadapa sa puntod ni Daniel. Paano siyang nakauwi? Saan siya umuwi? Kahit namimigat ang talukap ng mga mata ay pilit niyang binuksan ang mga mata. An unfamiliar room filled her view. She jerked up into a sitting position instantly, but stopped as the pounding increased. She scanned the cozy room, dazed and more than a little confused. Nasa bedside table ang kanyang wallet. Ang mga mahahalagang cards like credit card, debit card and identification card ay nakalatag sa mesa kasama ng kanyang cell phone na inalisan niya ng sim card para hindi siya matunton nina East. Nabasa ang mga ito at mukha namang napatayo na.Where she was? She looked at her clothes. She's now wearing a light pink sweatshirt. Medyo may kahabaan ito, abot sa gitna ng kahabaan ng kanyang hita. Kinapa niya ang ilalim ng sweatshirt. She's wearing panties but no bra. Sino ang nagpalit sa kanya ng damit. Sino ang dala sa kanya rito? Nasaan siya? She squeezed her eyes, desperately trying to re-access the past event... earlier or yesterday? Shit! She couldn't remember anything.
Her eyes flew opened as she heard the door opened and automatically glanced at it. Isang babae ang sumilip mula roon, malapad itong ngumiti nang makitang gising na si Audrey. Kasunod naman nito ang isang babae, isang kasambahay base sa uniporme na suot nito, dala ang isang tray na naglalaman ng pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: RoTruyen.Com